Sunday , December 22 2024

Digong sapaw ni Sara sa pagpili ng speaker sa Kamara

MASASAPAWAN ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kanyang ama sa pagpili kung sino ang magiging speaker ng Kamara sa susunod ng Kongreso.

Ayon kay Buhay party-list Rep. Lito Atien­za malaki ang impact ng endorsement ni Sara kompara kay Digong.

Si Sara ang nagma­niobra ng pagkaka­tanggal kay dating Speaker Pantaleon Alva­rez matapos makasa­gutan ang mayor.

“Malaki ang impact ng endorsement ni Sara. No doubt, whoever gets the endorsement will have a big edge,” ani Atienza.

Dalawang mamba­batas na ang inendoso ni Sara sa rally ng Hugpong ng Pagbabago. Isa rito ay si Lord Alan Jay Velasco ng Marinduque at ang isa, ang nagtatangkang ma­ka­balik na kongresista na si Martin Romualdez.

Taliwas sa posisyon ni Atienza si Caloocan Rep. Edgar Erice.

Ayon kay Erice ang masusunod sa speaker­ship ay si Pangulong Duterte.

“I think the speaker­ship will really be decided by the President after the election,” ani Erice na miyembro ng oposisyong grupo ng Magnificent 7.

Ayon sa mga kongre­sista kasama na sina Minority Leader Danilo Suarez ng Quezon, si Rodolfo Albano ng Isabela at dating House Speaker Feliciano Belmonte ng Quezon City, malaking bagay ang tract record, kakayahan at katapatan sa pagpili ng bagong House Speaker.

Kasama, umano, sa mga tatakbo sa pagka-speaker ang sinibak na si Rep. Pantaleon Alvarez, dating Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, dating bise presidente Jejomar Binay, Rep. Ronaldo Zamora ng San Juan, Cavite Rep. Alex Advincula, Cavite Rep.

Bambol Tolentino, Malabon Rep. Ricky Sandoval, at Leyte Rep. Lucy Torres  Gomez.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *