Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagsasama nina Kathryn at Alden, sisira sa KathNiel

NOW it can be told, isang pelikulang pagtatambalan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ang nakaplano ng Star Cinema na puwedeng pantapat sa pelikulang The Hows of Us na kumita ng P800-M worldwide.

May ilang nag-iisip na baka may naging kasalanan si Daniel kaya ganito ang naging plano ngayon ng Star Cinema na kaysa gawan ng sequel ang The Hows Of Us ay isang pelikulang ang leading man ay hiniram pa sa kalabang network.

Kung may nagawang pagkakamali si Daniel, puwedeng isiping may kinalaman ito sa isang buwang bakasyon na hiniling nito sa network o baka naman, kailangan na nina Kath at Daniel ng kanya-kanya munang bagong kapareho’t kapareha. Tulad ngayon, si Kath ay mayroong Alden at si Daniel naman ay makakasama raw sa pelikula ni Sharon Cuneta.

Noong Martes, isang unexpected announcement ang ginawa ng Star Cinema tungkol sa Kath-Alden movie na ididirehe ni Cathy Garcia-Molina na tatalakay sa ating overseas workers at ito ay isusyut sa Hongkong.

Sa interview kay Kathryn, inamin nitong kinakabahan siya sa kanyang bagong leading man. Aniya, ”Na-excite ako kung anong mangyayari rito, kung paano kaming dalawa. Hindi ko talaga alam kung anong mararam­daman ko pero for sure I’m very happy. Ang laking adjustment nito hindi lang para sa akin, kundi hindi para na rin kay Alden.”

Sa interview naman kay Alden, nasabi nito na isang rare chance na makagawa siya ng pelikula na ang makakatambal ay si Kathryn.

Isa rin sa dahilan kung bakit siya pumayag ay dahil malaki ang paniniwala kay Direk Cathy at inaming isa sa paboritong obra ng director ay ang One More Chance.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …