Sunday , December 22 2024

Manila Water dapat magbigay ng rebate — Solon

PINAGBABAYAD ng rebate ni Mandaluyong City Rep. Quennie Gon­zales ang Manila Water­ sa pagkabigong magbi­gay ng tubig sa kanilang concessions areas.

Ayon kay Gonzales nakaranas ng putol na serbisyo ng tubig ang ilan sa mga  lugar sa Mandaluyong mula noong 7 Marso 2019.

“Mandaluyong City was made to endure the catastrophe and the disaster of this water crisis. It has turned the routine of our lives up­side down. And despite the promises made by Manila Water of relief from this crisis, situations in some areas up to now still has not improved,” ani Gon­za­les.

“I would like to appeal to the officials of Manila Water to seriously consider offering a rebate or a discount at the very least in the water bills of Mandaluyong residents for the month of March, and at best for the duration of the crisis,” dagdag ni Gonzales.

Tinanggihan ng Manila Water ang pakiusap ni Gonzales.

Sa pagdinig ng Metro Manila Development Committee kahapon, ayon kay Ferdinand dela Cruz ng Manila Water magbabayad pa rin ang consumers nila ng minimun payment kahit walang tubig.

“One week na, almost two weeks na wala ka­yong tubig, mahina o walang tubig ang ating consumers kahit hindi kayo nakapag-deliver 24/7 they will still pay the minimum amount na ibabayad nila, cor­rect?” tanong ni Zarate.

“You’re correct po, there is minimum amount,” sagot ni Dela Cruz.

Sinabi rin ni Dela Cruz na pag-uusapan pa ang request ni Gonza­les sa refund.

“Malinaw na talong-talo ang consumers dito. Walang tumutulong tubig pero magbabayad pa rin sila ng minimum amount. Hindi ba tala­gang tubong tubig ‘yan? Hindi na tubong lugaw,” ani Zarate.

Ayon kay PBA party-list Rep. Jericho Nograles,  kapabayaan ang dahilan ng pagka­wala ng tubig ng Manila Water at hindi ang El Niño na gustong pala­basin ng concessionaire.

 (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *