Sunday , December 22 2024

Bangayan sa budget lalong umiinit

LALONG uminit ang bangayan ng Senado at Kamara kahapon patungkol sa maanomalyang 2019 budget nang hamunin ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya ang mga Senador sa isang joint press conference para himayin nila ang budget ng bawat proyekto.

Ani Andaya, ang paglalathala ng budget sa harap ng media ay mag­papatotoo kung sino sa dalawang sangay ng lehis­latura ang nagsasabi ng totoo patungkol sa re­align­ments at itemization ng lump sum funds ma­tapos ratipikahin ng Kamara.

“Hindi kami natata­kot sa isang budget na malinaw kung saang mga lugar at ahensilya, at kung ano-ano  ang mga proyekto at mga progra­ma ang popondohan,” ani Andaya.

“Pero ano ba ang iki­natatakot ng mga sena­dor sa itemized budget? As far as the House is concerned, we have all the records to substantiate our stand and the legal basis, as well as the established traditions and practices to back us up,” giit ni Andaya.

Pinabulaanan ni Andaya ang sinabi ni Senate President Tito Sotto na nag-realign ang Kamara ng P79-bilyones noong niratipika ang P3.7-trilyong budget para sa kasalukuyang taon.

Aniya tinangal la­mang ng Kamara ang lump sum funds at pina­ngalaman ang mga pro­yektong popondohan nito.

“The proposed 2019 national budget, when ratified by the Senate and the House of Repre­sentatives, contained lump-sum funds that need to be further itemized by both Houses. That was the agreement at the conclusion of the meetings of the Bicameral Con­ference Committee. The House did its part. We itemized our amend­ments. The people should ask the Senate if they did theirs,” ani Andaya.

“We will print the 2019 GAA so the people would know where the projects and programs that will be implemented this year from health to education to agriculture to infrastructure would go,” ayon kay Andaya.

Aniya ang pag-itemize sa mga proyekto ay napagkasunduan ng Senado at Kamara sa bicameral meeting.

Paliwanag ni Andaya hindi ginalaw ng Kamara ang bilyones na amend­ments ng Senado sa pani­wala na ang mga Senador ang gagawa nito.

Aniya, kung ang pani­wala ng mga Senador ay may mga mali sa nirati­pilang budget, idulog nila ito sa presidente  para i-veto.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *