Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kompirmasyon ng CA ‘di kailangan Diokno pasok agad sa BSP

HINDI na kailangan pang dumaan sa makapang­yarihang Commission on Appointments  (CA) si incoming Bangko Sentral ng Pilipi­nas governor Benjamin Diokno.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, batay sa Article 7, Section 16 ng 1987 Constitution, ang mga presidential appointee na kailangan dumaan sa go signal ng CA ay heads ng executive departments, ambassadors, public ministers at consuls, mga opisyal ng armed forces mula sa ranggong colonel o naval captain at com­mis­sioners ng Consti­tutional Commissions.

Tinukoy ni Panelo ang jurisprudence  sa pagku­westiyon sa appointment  kay dating BSP governor Gabriel Singson na nabasura gamit ang Cal­de­ron vs. Carale case na nagsasabing  hindi sak­law ng kapangyarihan ng Kongreso ang pagka­karoon ng confirmation powers sa itinatalagang BSP governor.

Kaugnay nito, hindi pabor si Diokno na politi­ko ang papalit sa kanya bilang Budget secretary.

Hindi na pinalawig  ni Diokno ang naturang pahayag at sa halip, sinabi  na lamang  niya umaasa siyang magpa­pa­tuloy ang kanyang mga nasimulan sa DBM gaya ng Project dime, pro­curement reforms at cash based budget system na aniya’y dapat suportahan para magtagumpay ang Build, Build, Build program ng pamahalaan.

Sa kanyang paglipat sa BSP, tiniyak na gagawin niya ang kan­yang bagong mandato kabilang ang pagtutok sa integridad ng financial system, price stability at financial inclusion advo­cacy.

Ngayong araw magsi­si­mula ng kanyang trabaho sa BSP si Diokno at isa sa magiging unang aktibidad niya ang kanyang kauna-unahang monetary policy meeting.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …