Sunday , December 22 2024
Duterte Marcos Martial Law
Duterte Marcos Martial Law

Pagkatapos ng 3 dekada… Mala-diktadurang pamamahala muling nabuhay

NAGPAHAYAG ng pag­kalungkot ang mga miyem­bro ng oposisyon kahapon sa ika-33 anibersaryo ng People’s Power Revolution.

Anila bumalik ang mala-diktadurang pamamalakad na isinuka ng sambayanang Filipino sa ilalim ng gobyernong Marcos.

“Tatlong dekada na ang nakalilipas ngunit nasasaksihan pa rin natin ang mala-diktadurang pamamahala sa gobyer­no. Kaliwa’t kanan ang paglabag sa kara­patang pantao — pagpapata­himik sa mga kritiko ng administrasyon, pagsikil sa karapatan sa mala­yang pamama­ha­yag, extra-judicial kill­ings, at ang hindi mata­pos-tapos na martial law sa Minda­nao,” ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano.

“Pilit ibinabalik ng kasalukuyang gobyerno ang madilim na bahagi ng kasaysayan na naranasan ng mga Filipino mahigit 30 taon ang nakaraan,” ani Alejano.

Ayon kay Alejano, sa kabila ng mahabang panahon mula noong natapos ang diktadurang Marcos, parehong laban pa rin ang kinahaharap ng mga Filipino.

Aniya, ang paggunita sa madilim na bahagi ng kasaysayan ay sangkap sa maliwanag na bukas.

“Nawa’y tumindig ang bawat isa sa atin pa­ra sa karapatan at kala­yaan ng bawat Filipino. Kapag tayo ay inaapi, huwag natin itong palampasin. Huwag natin hayaan na maulit ang madilim na kahapon,” ani Alejano.

Sa panig ni Akbayan Rep. Tom Villarin, ang EDSA people power revolution ay isang malinaw na paalaala na huwag nang payagan ang mga taong yuyurak sa demokrasya at sa mga karapatan ng Filipino.

Ani Villarin, ang pagdiriwang sa EDSA ay kamukha ng Holocaust memorial na anim na milyong Hudyo ang pinatay ng isang baliw na itinawag na Hitler.

“EDSA People Power also showed us the way out of the darkest depths of humanity under the Marcos dictatorship where thousands were killed and many are still missing,” ani Villarin.

Aniya, nagbabadya na naman nang ganitong klaseng kadiliman sa bansa na ang katotohanan ay inililibing sa “fake news.”

“Democratic institu­tions are reduced to symbols without sub­stance, where power is abused with impunity and abandon, when a state policy of violence strikes against the poor and powerless, and voices of dissent are stifled by incarceration and slut-shaming of women who dared cross swords with the man in Malacañang,” ayon kay Villarin.

“Hindi ito (EDSA People Power) basahan na itinatapon matapos gamitin kundi isa itong mit­sa na puwedeng sin­dihan anomang oras para muling ipaglaban ang demokrasya’t kalayaan,” ani Villarin.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *