Friday , May 9 2025

NYC chief sibakin — NUSP

UMALMA ang National Union of Students of the Philippines sa pahayag ni Ronald Cardema ng National Youth Commission (NYC) na tanggalan ng scholarship ang mga estudyanteng sumasali sa mga kilos protesta laban sa pamahalaan.

Ayon sa NUSP, wa­lang karapatan si Car­dema  na supilin ang mga estudyanteng nagpo­protesta laban sa maling patakaran ng adminis­trasyon, malawakang paglabag sa karapatang pantao at ang matinding kahirapan sa bansa.

Anila dapat nang sibakin si Cardema.

Nauna nang kinon­dena si Cardema sa pag­tawag sa mga aktibista bilang kaaway ng estado na dapat ilikida ng mga death squad ng Pangu­long Duterte.

Ayong kay NUSP deputy secretary general Raoul Manuel si Cardema ay parang ang punong malupit na si Pangulong Duterte.

“Copying his boss Duterte, the NYC chair­person acts like a tyrant so insecure that he attacks our right to free expres­sion enshrined in the Constitution just to silence Duterte critics and muzzle ordinary citi­zens,” ani Manuel.

Giit ng mga estudyan­te, ang protesta ay isang uri ng freedom of expres­sion na nakasaad sa Saligang Batas at ang libreng edukasyon ay produkto ng malawakang paghimok at protesta na ibigay sa mga estudyante at hindi regalo mula sa Pangulong Rodrigo Duterte.

“While not being part of those efforts, Cardema now has the gall to recom­mend that student pro­testers be disqualified from financial assistance. He is the best youth model of being ‘epal,” ayon kay Manuel.

“Students continue to protest because amidst free public education, majority of students in senior high school and college still suffer from expensive tuition and other fees which increase annually. To our shock, the NYC chairperson just wants these students to shut up and suffer in silence,” panaghoy ni Manuel.

Sa panig ni Akbayan Rep. Tom Villarin, ang pahayag ni Cardema ay pagtraydor sa kuwalipi­kasyon ng isang lingkod bayan.

“Free tertiary educa­tion is now a matter of right under RA 10931 given to all students, not just a select few regardless of political views,” ayon kay Villarin.

Ang pananaw ni Car­dema ay nagpapakita ng kanyang pagkamang­mang.

Ani Villarin isang uri ng “betrayal of public trust” ang nagawa ni Cardema.

“It’s high time that we demand for his resig­nation,” aniya.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

ISANG grupo ng tricycle drivers mula sa Taguig ang nagsumite ng ulat sa Commission on …

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *