Monday , May 5 2025
shabu drug arrest

1 patay 2 nasakote sa drug-bust sa Lubao

NASAKOTE ang dalawang hinihinalang drug pusher habang patay ang isa pa sa ikinasang anti-drug operation sa Lubao, Pampanga, kamakalawa.

Sa ulat ni Supt. Jerry Corpus, Chief of Police ng Lubao kay PRO3 Director C/Supt. Joel Napoleon Coronel, kinilala ang mga suspek na sina Alfie Sadsad, 34, at Rolando Santos, 40,  dati nang sumuko sa awtoridad dahil sa droga at kabilang sa drug watchlist.

Nakuha sa mga suspek ang tig-limang daang marked money at kabuuang 10 plastic sachets ng shabu ng anti-narcotics operatives.

Dead on-the-spot ang suspek na si Darwin Vitug, 39, na kabilang rin sa drug watchlist.

Batay sa imbestigasyon, agad naglunsad ng follow-up operation matapos inguso si Vitug ng mga nahuling suspek.

Kasama ang confidential asset ay ikinasa ang buybust operation sa Lubao Memorial Park bandang 9:00 pm.

Nanlaban umano ang suspek nang makaamoy na pulis ang nakatransaksiyon na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay.

Narekober ng SOCO ang isang .38 kalibreng baril at pitong sachet ng hinihinalaang shabu sa pag-iingat ng suspek sa pinangyarihan ng insidente. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Jon Lucas Jan Enriquez

Management ni John Lucas pinababaklas pag-endoso kay Abalos

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA ang team sa likod ng career ng Kapuso actor na si Jon …

Chavit Singson e-jeep

Chavit Singson pinasinayaan pagbubukas ng e-Jeepney factory sa ‘Pinas

PINANGUNAHAN ni dating Gov. Luis “Chavit” Singson ang pagpapasinaya sa matagal na niyang pangarap, ang …

Dead body, feet

Bangkay ng kelot nadiskubre habang nagsosoga ng baka

NADISKUBRE ng isang pastol ng baka ang bangkay ng isang lalaki na kanyang natagpuan bandang …

Arrest Shabu

Sa Bulacan  
3 adik na tulak arestado, drug den binuwag

NAARESTO ang tatlong tulak sa isang drug den  kabilang ang operator na nagresulta sa pagkakakompiska …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bulacan at Angeles City
DALAWANG MWP NAARESTO SA MAGKAHIWALAY PNP OPS

BILANG bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga pinaghahanap ng batas, dalawang most wanted …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *