Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rice Farmer Bigas palay

Presyo ng palay bumagsak sa rice tariffication law

ILANG araw matapos pirmahan ni Pangulong Duterte ang Rice Tariffi­cation Law, nagpahayag ng pangamba ang ilang kongresista sa magiging epekto nito sa magsa­saka.

Ayon kay Butil Rep. Cecil Chavez, ang kongre­sista ng mga magsasaka, bumagsak agad ang farm gate price ng palay sa P14 kada kilo.

Sa press conference kahapon, nagbabala si Chavez, na magdurusa ang sektor ng agrikultura dahil sa nasabing batas.

“Napakalungkot ang klima ngayon, napaka­lungkot ng ating mga magsasaka lalo’t P14 na lamang ang presyo ng palay sa Nueva Ecija,” ani Chavez.

“Kapag walang natirang magsasaka dahil wala na silang maaaring kitain dito lahat po tayo rito, kahit hindi tayo magsasaka apektado tayo,” dagdag ni Chavez.

Nagbanta si Chavez na idudulog niya sa Korte Suprema ang batas kapag ipinatupad ito kahit walang  “implementing rules and regulations (IRR).”

“Ito pa nga lang po, masakit na sa mga magsasaka, paano pa po kaya ‘pag lalo pang bumaba ang presyo ng palay?”

“Hindi ba gano’n din ang ginawa nila sa langis at koryente? Paano tayo nakasisiguro na hindi tataas ang presyo ng bigas in the future? Sa ngayon puwedeng oo baka buma­ba, pero pagdating ng panahon iyon ang kinakatakutan ko,” pangamba ni Chavez.

Aniya, sa mga dara­ting na araw maaari pang bumaba ang farm gate price ng palay sa P12 o karumbas ng gastos sa produksiyon nito.

“Hindi ba iyon din ang sabi nila dati: Let the market prices determine the price of the product,” ani Chavez.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …