Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Regine Velasquez
Regine Velasquez

Regine, P1-M ang halaga ng tatlong kanta

MEDYO natawa kami at natanong ang sarili kung ginto ba o kristal ang boses ni Regine Velasquez dahil nakarating sa amin ang tsikang naniningil daw ito ng P1-M sa tatlong kanta. Kundi kami nagkakamali,  tatlong gabing gaganapin ang kanyang concert na makakasama si Vice Ganda.

Sure winner na siya at tiyak kayang-kaya ng producers na magbayad ng milyones sa ating two top entertainers, The Songbird and The Songhorse.

Kaya kapag tinatanong daw si Regine tungkol sa TF, ayaw nitong sagutin sa rason na baka habulin daw ng BIR. Kaya ang tanong namin, bakit naman siya hahabulin kung tama naman ang kanyang ibinabayad na tax?

Nang mag-guest ito sa programa ni Boy Abunda, ang Tonight With Boy Abunda ay sinabi nito na ‘false’ ang nasabing tsika at sabay itong nagsabi ng, ‘Hello BIR’.

Dagdag pa ni Tito Boy, minsan ay kumakanta si Regine ng libre lalo na sa kanyang mga kaibigan.

Nakatutuwang malaman na hanggang ngayon ay nagbo-voice lesson pa itong si Regine, hindi para lalong gumanda ang kanyang boses kundi para mailagay sa tamang lugar ang kanyang boses kasi nga naman, hindi natin maiiwasan ang pagtanda.

Surely, malaki ang ibinabayad ni Regine sa voice coaching kaya gusto lang siguro niyang mabawi ang ibinabayad mula sa kanyang talent fee.

Kaya kapag nag one plus one eh, three nights ‘yun, so tumatanginting na P3-M ang kikitain. Wow!

On Vice Ganda naman, matapos ang tsikang sabay silang umuwi ni Kuya Escort Ion Perez ay ‘lab’ na raw ang tawagan nila ngayon? Kaya lang, nang tanungin ni Vhong Navarro si Kuya Escort kung saan ito pupuwesto sa concert nina Vice at Regine, nasabi nitong sa back stage  ito tatayo para ma-cheer-up ang kanyang ‘labs’.

‘Yun na, buking pero nang tanungin siya uli kung ‘yun ang kanilang tawagan, ‘Hindi pa naman,’ sagot nito sabay ang pagpapawis nang komprontahin ni Vhong.

Well, kung ako ang tatanungin, mas feel namin siya para kay Vice kaysa roon sa basketbolista.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …