Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SGMA nagdeklara ng suporta sa HNP ni Sara; Otso Diretso sa Caloocan naglunsad ng kampanya

NAGDEKLARA si Speaker Gloria Maca­pagal-Arroyo ng suporta kay Sara Duterte at sa kanyang Hugpong ng Pagbabago (HnP) sa paglulunsad ng pamban­sang kampanya sa Clark, Pampanga kahapon.

Buong-buo aniya ang kanyang suporta rito kasa­ma ang mga sena­torial candidates ng koa­lisyon.

“All out, all out,” ani Arroyo.

Kasama sa mga senatorial candidates ng HnP ang reelectionists na sina senators Sonny Angara, Cynthia Villar,  at Aquilino “Koko” Pimen­tel III; si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, ang dating mamama­hayag na si Jiggy Manicad, Pia Caye­tano, Joseph Victor “JV” Ejercito, Ramon “Bong” Revilla, Jr., ang dating political adviser ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na si Francis Tolentino, ang dating hepe ng Philip­pine National Police (PNP) Ronald Dela Rosa, ang kongresista ng Ma­guin­danao Zajid Mangu­dadatu, at ang Special Assistant to the President Bong Go.

Nagpasalamat si Arroyo kay Mayor Sara Duterte sa pagpili sa Pam­panga para sa pag­lulunsad ng kampanya ng HnP.

“Oh we’re very honored. We think it’s a recognition of the fact [that] in the last elections, the biggest majority of [votes] of Mayor Duterte outside his bailiwick was in Pampanga. We hope we can duplicate that,” ani Arroyo na sinamahan ng ilang reporter mula sa Kamara.

Malaki ang naging papel ni Mayor Sara sa pagpatalsik kay dating Speaker Pantaleon Alva­rez at sa pagluluklok kay Arroyo bilang speaker.

Ang Otso Diretso ng oposisyon ay naglunsad ng kanilang kampaya sa San Roque Cathedral sa Caloocan.

Kasama sa line up ng Otso Diretso sina Mag­­dalo party-list Rep. Gary Alejano, reelectionist Sen. Bam Aquino, human rights lawyer Chel Diok­no, Marawi civic leader at peace advocate Samira Gutoc, dating Solicitor General Florin Hilbay, at election lawyer Romulo Macalintal.

Tutungo ang grupo sa Naga City ngayon (Mi­yer­koles) para sa dialogo nila sa mga estudyante ng Camarines Sur Poly­technic College at kick-off rally sa Plaza Quezon ng lungsod sa gabi.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …