Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Reklamasyon ng Manila Bay target ng EO74

MABILIS na reklamasyon ng Manila Bay ang tunay na pakay ng pagla­labas ng Executive Order No. 74 para sa mga kaibigang negosyanteng Chinese ng Duterte administration.

Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao kasama sa mga mapapaboran ng EO 74 ay ang 265-hectare Pearl Harbor City project sa Pasay City na pagma­may-ari ng kaalyado ng pangulong si Dennis Uy.

Ang Philippine Recla­ma­tion Authority (PRA), ang ahensiyang nanga­ngasiwa dito ay may planong 43 reclamation projects sa Manila Bay.

Bago maglabas ng EO 74 ang reclamation pro­jects ay pinanganga­siwaan ng PRA at ng National Economic Development Authority (NEDA), ngayon nasa ilalim na ito ng Office of the President at ang lahat ng reclamation projects ay magkakaroon ng approval ng pangulo.

Ayon kay Casilao, pakitang tao umano ang paglilinis ng Manila Bay at ang tunay na pakay ay reclamation projects.

Kaugnay nito kinon­dena ni Casilao ang planong demolisyon sa higit 100 kabahayan ng mga mangingisda at maralitang lungsod sa Cavite City kaugnay sa paglinis ng Manila Bay.

Ani Casilao, higit sa 300,000 pamilya ang maaapektohan ng pro­yektong ito.

Aniya ang ipina­pa­kita ng gobyerno sa taong­bayan ay dalawang kilo­metrong dalampasigan sa Malate habang itinatago ang apat na kilometrong breakwater na isina­pribado malapit sa SM Mall of Asia patungong Okada sa Parañaque City.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …