Friday , May 2 2025
mindanao

Sa ikatlong pagkakataon… Batas militar sa Mindanao walang basehan — oposisyon

WALA nang basehan ang batas militar na ipinaiiral sa Mindanao sa pangat­long pagkakataon alinu­snod sa ilalim ng Saligang Batas.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, sa peti­syong inihain sa Korte Suprema kahapon, wa­lang sapat na basehan ang pagpalawig ng batas militar sa Mindanao dahil wala namang nagaganap na rebelyon.

Sinabi ni Lagman at anim pang miyembro ng oposisyon sa Kamara, ang liham ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Ka­ma­­ra noong 6 Disyembre 2018 na humihingi na palawigin ang batas mili­tar ay bigo sa pag-uug­nay sa mga bayolenteng ginawa ng mga lokal na terorista at komunistang grupo sa rebelyon o sa pagpapalawig nito.

Ani Lagman, lahat ng reports ng militar at pulis ay nabigong ipakita na may rebelyon sa Minda­nao noong ipinatupad ang pangalawang eksten­siyon ng batas militar.

Ani Lagman, walang naaresto o kinasuhan ng rebelyon mula 1 Enero hangang 31 Disyembre 2018.

Giit ng petitioners, walang ganap na rebelyon sa Mindanao.

Ani Lagman, ang Proclamation No. 216 ng Malacañang ay hindi na maaaring palawigin dahil ito ay nawalan nang say­say pagkatapos ng Mara­wi siege at napatay ang mga lider ng Maute at Abu Sayyaf. Binanggit ni Lagman ang pahayag ng pangulo na “liberated” na ang Marawi noong 17 Oktubre 2017.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

050125 Hataw Frontpage

Cagayan De Oro Mayor Klarex Uy kinuwestiyon sa P330-M cash advances

HATAW News Team ‘UNDER HOT WATER’ si Cagayan de Oro Mayor Klarex Uy matapos ireklamo …

Bong Revilla

Bong Revilla nakipamuhay sa Mindanao panalo tiniyak sa makasaysayang baluwarte

SA LOOB ng dalawang linggo bago ang midterm elections ngayong Mayo 2025, muling pinatunayan ni …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong muling sinusuportahan si Bam Aquino, pinuri integridad at track record

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAHAYAG ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang kanyang suporta sa …

Senate Senado

“Labor Commission” isinusulong sa senado

IMINUNGKAHI ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkoles ang pagbuo ng isang national labor commission …

Leninsky Bacud ABP Partylist

P1-M pabuya alok ng ABP Partylist laban sa gunman, utak sa pagpaslang kay Bacud

NAG-ALOK ng halagang P1 milyon ang Ang Bumbero ng PIlipinas (ABP) Partylist sa makapagbibigay ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *