Thursday , May 8 2025
great white shark MEG

Higanteng pating sa pelikulang Meg natagpuan sa Hawaii

NAMATAAN ang isang dambuhalang great white shark—— na pinaniniwalaang pinakamalaki at katulad ng pating na Megalodon sa pelikulang Meg — kalapit ng baybayin ng Hawaii.

Nakunan ng video footage at mga larawan at nagawa pang makilangoy ang mga diver sa higanteng pating na isang female shark at umaabot sa 20 talampakan (anim na metro) ang sukat. May marking dito tulad sa pating na si ‘Deep Blue,’ ang pinakamalaking great white shark na naitala sa kasalukuyan.

Nag-surprise appearance ito, kasabay ang ibang mga pating habang kinakain ang labi ng isang sperm whale hindi kalayuan sa dalampasigan ng Oahu.

“We saw a few (tiger sharks) and then she came up and all the other sharks split, and she started brushing up against the boat,” wika ng isa sa maninisid na si Ocean Ramsey sa pagsalaysay sa kakaibang encounter sa deadliest predator sa karagatan sa panayam ng pahayagang Honolulu Star Adviser.

“She was just this big beautiful gentle giant wanting to use our boat as a scratching post,” dagdag ni Ramsey, na lumangoy kasama ang pating habang kinukunan niya ng mga larawan at video.

“We went out at sunrise, and she stayed with us pretty much throughout the day,” dagdag ng diver.

Pinansin din ni Ramsey ang kakaibang lapad ng pating, na pinaniniwalaang aabot sa 50 taon ang edad at may timbang na dalawa’t kalahating tonelada.

“Maaaring buntis ito dahil may kalaparan ang kanyang katawan,” aniya.

Sa talaan, pambihira ang sightings ng mga great white shark sa Hawaii, na ang tubig sa karagatan ay bahagyang mainit kaysa ibang lugar.

Dati nang namataan si ‘Deep Blue,’ na may sariling Twitter account at paksa ng isang doku­mentaryo ilang taon ang nakalipas, sa bahagi ng dagat sa Guadalupe Island kalapit ng Mexico.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *