Tuesday , May 6 2025

Digong inip na sa Federalismo (Kongreso makupad)

NAIINIP na si Pangulong Rodrigo Duterte sa maba­gal na usad ng Charter change sa Kongreso kaya nais niyang unahin ang amyenda sa ilang eco­nomic provisions.

Paliwanag ni Presi­dential Spokesman Salvador Panelo, naiinip ang Presidente sa galaw ng Kongreso tungkol sa federalismo at walang nakikitang seryosong hakbang sa hanay ng mga mambabatas para ito’y maisakatuparan.

Inihayag ni Panelo bagama’t nais ng Pangulo na paspasan ang natu­rang usapin, hindi naman aniya uubra na gawin itong mag-isa ng Presi­dente dahil kaila­ngang kumilos dito ang Kongreso.

Kung  hindi rin lang makaaasa nang mabilis na aksiyon sa federalismo mula sa mga mamba­batas, baka maaaring unahin ang amyenda sa ilang economic provisions sa pangkalahatang pag­ba­bago ng Saligang Batas.

Kabilang sa nais amyendahan ang pagka­kaloob ng kaluwagan sa pagpasok ng foreign investments sa bansa.  (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Jon Lucas Jan Enriquez

Management ni John Lucas pinababaklas pag-endoso kay Abalos

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA ang team sa likod ng career ng Kapuso actor na si Jon …

Chavit Singson e-jeep

Chavit Singson pinasinayaan pagbubukas ng e-Jeepney factory sa ‘Pinas

PINANGUNAHAN ni dating Gov. Luis “Chavit” Singson ang pagpapasinaya sa matagal na niyang pangarap, ang …

Dead body, feet

Bangkay ng kelot nadiskubre habang nagsosoga ng baka

NADISKUBRE ng isang pastol ng baka ang bangkay ng isang lalaki na kanyang natagpuan bandang …

Arrest Shabu

Sa Bulacan  
3 adik na tulak arestado, drug den binuwag

NAARESTO ang tatlong tulak sa isang drug den  kabilang ang operator na nagresulta sa pagkakakompiska …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bulacan at Angeles City
DALAWANG MWP NAARESTO SA MAGKAHIWALAY PNP OPS

BILANG bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga pinaghahanap ng batas, dalawang most wanted …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *