Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Batang Bilanggo Bill’ pasado sa justice panel ng kamara

IPINASA kahapon ng Justice panel ng Kamara ang panukalang ibaba sa 9 anyos ang edad ng criminal liability ng bata taliwas sa kabila ng pagba­tikos dito.

Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin kabalik­taran ito ng Juvenile Justice Welfare Act or RA 9344.

Nagpahayag ng ma­tin­ding pangamba si Villarin sa kadahilanang mapaparusahan ang mga bata sa ilalim ng baluktot ng sistema sa hudikatura ng bansa.

“Putting children under our much-flawed criminal justice system condemns them to a life of crime and punishment. Instead of a welfare system that won’t stig­matize and isn’t punitive in approach, we imprint on their minds that society see them as criminals,” pahayag ni Villarin.

Sa ilalim ng panu­kala, ang mga bata ay itinuturing na may kasa­lanan hanga’t wala siyang pruweba na wala siya sa tamang kaisipan.

Aniya, ang pagma­madali ng justice com­mittee sa pagpapasa ng panukala na walang siyen­tipikong basehan at ebidensiya ay nagpapa­kita kung paano naging ‘bully’ ang Kamara.

Kaugnay nito, nag­pahayag rin ng pangamba ang child rights advo­cates sa bansa at sa iba pang sulok ng mundo dahil sa panukalang ito.

Masama, anila, sa mga bata ang panukala na ipinasa ng committee on justice na pinamu­munuan ni Mindoro Rep. Salvador “Doy” Leachon.

Nanganganib ang mga bata na makulong kasama ang iba pang kriminal.

Ang itinuturong kulungan ng mga bata sa ilalim ng Juvenile Justice Welfare Act, ayon sa mga child welfare advocates ay hindi sapat dahil 55 units lamang ito sa kasalukuyan.

Ayon sa JJWA, ang Bahay Pagasa na pagda­dalhan sa mga bata ay naitayo sa 81 probinsiya at sa 33 highly urbanized cities sa bansa.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …