Saturday , December 21 2024

Casiguran ‘di kasama sa P51-B ‘insertions’

HINDI kasama ang Casi­guran, Sorsogon sa P51 bilyong ‘insertions’ sa panukalang 2019 budget kung pagbabatayan ang talaan ng Department of Public Works and High­ways (DPWH).

Salungat ito sa sina­sa­bi ni Majority Leader Rolando Andaya na umano’y pinaboran ni Budget Secretary Ben­ja­min Diokno ang Casigu­ran, Sorsogon sa P51-bilyong ‘insertions’ sa panukalang 2019 budget.

“His (Andaya’s) accusations are illusory. The numbers are wrong and the narrative he’s selling is not grounded on facts,” ayon kay Diokno.

Bukod sa rekord ng DPWH, may iba pang dokumento sa naturang ahensiya ang nagsasabi na noong 2018, ang lalawi­gan ng Albay sa Bicol ay nagtamasa ng pinaka­ma­taas na pondo sa pam­ban­sang budget sa halagang P11.2 bilyon.

Pangalawa ang Sor­so­gon na napaglaanan ng pondong P10.5 bilyon, kasunod ang Camarines Sur na may pondong P10.2 bilyon, Masbate na may P4.5 bilyon, Cama­rines Norte,  P3.3 bilyon, at Catanduanes ma may P2.5 bilyon.

Matatandaan, sa Ques­tion Hour sa Congress noong nakara­ang buwan inakusahan ni Andaya si Diokno na nagbibigay ng malaking pabor sa Casiguran dahil sa kanyang kaugnayan kay Mayor Edwin Hamor at asawang si Sorsogon Vice Gov. Ester Hamor.

Ang anak ni Ester Hamor na si Romeo Sicat Jr., ay asawa ng anak ni Diokno na si Charlotte.

Ngunit sa talaan ng DPWH ang mga sumu­sunod na alokasyon ang makikita: Lone district of Romblon – P4.74 bilyon para sa flood and road projects; kasunod ang Abra na may P4.1 bilyon para sa flood and road projects; Albay (second district) –  P3.7 bilyon para sa flood, building, at road projects; Samar (first district) –  P3.3 bilyon para sa building, flood, bridge at road projects; at Davao del Norte (first district) na may P2.9 bilyon para sa building, flood, bridge, road at water supply projects.

Sa kabila nito ang unang distrito ng Sorso­gon ay nagkaroon ng alokasyong P705 milyon habang ang pangala­wang distrito ay makatatang­gap ng P395 milyon para sa flood at road projects.

Nakatanggap rin ang iba pang probinsiya ng matataas na alokasyon gaya ng unang distrito ng Agusan del Norte – P2.87 bilyon para sa flood, bridge at road projects; pangalawang distrito ng Palawan – P1.76 bilyon para sa road projects; pangatlong distrito ng Tarlac – P1.51 bilyon para sa flood projects; panga­lawang distrito ng Batangas – P1.26 bilyon para sa road projects; unang distrito ng Albay – P1.25 bilyon para sa flood at road projects; panga­lawang distrito ng Cama­rines Sur – P1.2 bilyon para sa flood projects; Occidental Mindoro – P1.13 bilyon para sa building, flood, road and water supply projects; Davao del Sur – P1.04 bilyon para sa road pro­jects; panglimang distrito ng Leyte – P1.005 bilyon para sa road projects; pangatlong distrito ng Bulacan – P1 bilyon para sa flood projects.

Giit ni Diokno, ang DPWH ang gumawa ng listahan ng mga alo­kasyon ng budget para sa mga proyekto nito.

“The original budget proposal of the DPWH was P652 billion, and not P488 billion as congress­man Andaya claimed in the Question Hour last December 11, 2018. The DBM then initially approved P480.2 billion but in the final phase of budget preparation, the total public infrastructure budget was still short of the government’s com­mit­ment to disburse at least 5 percent of Gross Domestic Product for infrastructure. This is why the budget of the DPWH was adjusted by P 75.5 billion,” paglili­naw ni Diokno.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *