Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagpulot-gata sa Maldives ‘inangkin’ ng dagat (Mag-asawang nurse na high school sweethearts)

TRAHEDYA ang kinau­wian ng pag-ibig ng mag-asawang overseas Filipino workers (OFWs) na piniling magpulot-gata sa Maldives mata­pos ang kanilang kasal dalawang linggo na ang nakararaan.

Kinilala ang mag-asawang high school sweethearts na sina Leomer at Erika Joyce Lagradilla na ikinasal bago matapos ang taong 2018

Ayon sa mga kaanak at kaibigan, high school sweethearts at 10 taong naging magkasintahan ang dalawa.

Parehong nurse ang dalawa na piniling mag­trabaho sa ibang bansa upang masuportahan ang kani-kanilang pa­milya.

Sa Singapore piniling magtrabaho ni Leomer at sa Riyadh, Saudi Arabia naman nagtrabaho si Erika Joyce.

Noong 11 Enero, lu­mipad ang dalawa pa­tungong Maldives na ayon sa kapatid ni Leomer na si Mhapolle ay kanilang dream destination.

Sa kasamaang palad, sa paraiso ding iyon naka­salubong ng magsing-irog ang kamatayan.

Noong Linggom iniu­lat sa lokal na TV station sa Maldives na RaajjeMV, dalawang turista ang nalunod sa isla ng Dhifus­shi sa Kaafu atoll.

Idineklarang dead-on-arrival ang mag-asawa sa ospital ng Dhiffushi ayon sa ulat ng Maldives Police Service.

Nakikiramay ang Depart­­ment of Foreign Affairs sa pamilya ng mag-asawa at tiniyak na tutulong sa pagpapauwi ng mga labi ng mag-asawa.

Sinabi ng isang taga-isla na unang nalunod si Leomar habang sila ay nag-i-snorkeling saman­tala humingi ng tulong si Erika Joyce.

Ngunit nang abutan ng dinghy o maliit na bang­ka ang dalawa, pare­ho na silang hindi guma­galaw at nakalutang na lamang sa ibabaw ng tubig.

Sinabi ng DFA sa kanilang pahayag na inu­tusan na nila ang Philip­pine Embassy sa Dhaka na may huris­diksiyon sa Maldives, na makipag-ugnayan sa mga awtori­dad ng isla upang maiuwi na ang mga labi ng mag-asawa.

Samantala, humi­hingi ng tulong ang mga kaanak at mga kaibi­gan ng bagong kasal na makakolekta ng ma­higit isang milyong piso o P634,000 kada isa na dapat bayaran upang maibalik sa bansa ang kanila mga labi.

Ayon sa Facebook post ng isang kaibigan ng mag-asawa na si Nikko Quiogue, sinagot ng employer ni Leomar ang gastusin para sa pagpa­pauwi ng kaniyang labi kaya ang patuloy binu­buo nilang halaga ay para sa labi ni Erika Joyce. (JAJA GARCIA/KARLA LORENA G. OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …