Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Negosyante sa India may 2,000 anak na babae

AYON sa negosyanteng Mahesh Savani ng Surat, mayroon siyang 2,000 anak na babae — aba’y kung totoo ito, tunay ngang sinuwerte siya dahil hanggang ngayon ay tumataas pa ang bilang ng kanyang mga anak.

Pinaghahandaan ni Mahesh ang mass wedding ng mga kababaihan na walang mga magulang o walang nag-aaruga sa kanila. Sa katunayan, napapabalita siya sa pangunahing balitaan sa India dahil sa paghahanda sa 300 kasal kada taon.

Sa kanyang tanggapan sa Surat, ibinahagi niya ang kanyang kakaibang kuwento, ang ‘ups-and-downs’ na kanyang hinarap sa buhay, at ang life-changing incident na nagpasimula sa kanya na maging isang pilantropo.

“In 2008, one of my distant relatives, Ishwarbhai, died before the wedding of his two daughters,” paliwanag ni Mahesh.

“I did their kanyadan and spent around Rs 10 lakh for their wedding,” dagdag niya.

Dito napagtanto ni Mahesh na napakaraming mga anak na babaeng tulad ng mga nabanggit na nangangailangan ng isang ama.

Isang dating diamond merchant at ngayo’y realty king, si Mahesh, sa edad na 48-anyos, ay may sapat na salapi mula sa kanyang mga negosyo sa ilalim ng P.P. Savani Group para magsagawa ng mass weddings simula noong 2010 — para sa sarili niyang mental satisfaction.

“My father is the real man behind all that we have,” inamin ni Mahesh. “We are just carrying for­ward and adding numbers. His life story is very inspiring for me.”

Kumikita ang kan­yang ama ng Rs 125 kada buwan sa isang diamond manu­facturing company, at inimpok niya ang lahat ng kanyang kinikita at noong 1978 ay naglagay siya ng isang machine at sinimulan ang sariling manufacturing unit.

Kasunod nito’y sina­nay niya ang kanyang pamilya para pagtuunan ang nego­syong itinayo na kalaunan ay lumaki at lumago.

(TRACY CABRERA)            

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …