Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

15-anyos sinaksak sa leeg

SA hindi malamang dahilan, sinaksak sa leeg ang isang 15-anyos na lalaki ng isang suspek sa Makati City, Sabado ng gabi.

Ginagamot sa Ospital ng Makati (OsMak) ang 15-anyos na menor de edad biktima, sanhi ng isang saksak sa kanang leeg.

Pinaghahanap ng Makati City Police ang suspek na kinilalang si Mark Ian Hidalgo, alyas Yaya, nasa hustong gulang, residente rin sa nasa­bing lungsod.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang pana­naksak sa panulukan ng Maya at Woodpecker streets, Barangay Rizal sa Makati City, dakong 8:30 ng gabi nitong Sabado.

Kasama ng biktima ang kanyang kaibigan na hindi binanggit ang pangalan, nang sumulpot ang suspek na armado ng patalim bago sinaksak sa leeg ang bina­tilyo sa hindi pa batid na dahilan.

Agad tumakas ang sus­pek samantala agad dinala ng kanyang kaibigan ang biktima sa nasabing paga­mutan na ngayo’y nasa sta­ble o maayos nang kondi­syon.

Pormal na naghain ng kaukulang reklamo ang ina ng binatilyo sa tanggapan ng pulisya laban sa suspek.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …