Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Geronimo

Sarah, survivor ng pressures sa career at lovelife

SA pagpapatuloy ng ating column ukol sa listahan ng pinakamaiinit na bituin ng Pinoy Showbiz.

8. Pambansang kabadingang bisyo pa rin si VICE GANDA. Tinatalo ng Fantastica n’ya sa box office ang combined stardom ng FPJ’s Ang Probinsyano at Eat Bulaga. Ayon sa ulat ng isang entertainment website, si Vice talaga ang Box Office King/Queen mula pa noong 2011. Tanggap na tanggap ng madlang Pinoy ang mga bading bilang komedyante—pero hindi palagi bilang empleado na ang trabaho ay walang kaugnayan sa pagpapatawa, pagpapaganda, o pambabalahura sa entablado.

Dahil kay Vice at sa hayagang “pagkakaibigan” nila ng basketbolistang si Calvin Abueva, parang tanggap na ng madlang Pinoy na hayagang maging malapit ang mga lalaking may asawa sa isang walang kaduda-dudang bading. Walang balitang tutol ang Simbahan sa hayagang pangangarinyo ni Vice sa mga lalaki sa harap ng kamera araw-araw.

9. Maningning na survivor ng pressures ng career at private life n’ya, si SARAH GERONIMO. Napangibabawan ng talent at charm n’ya ang pagbi-breakdown sa harap ng madla. Na-sustain n’ya ang lovelife with Matteo Guidicelli and, happily, ‘di nila kailangan ang isa’t isa para sa respective career nila. Si Sarah din ang natatanging batang showbiz idol na ‘di nagtitiwangwang ng kanyang katawan. Isang blessing ‘yon na dulot ng pagkakaroon ng napaka-istriktong magulang. 

10.  Very engrossing bagama’t madali ring maging kontrobersiyal ang machong pagmamakamakabayan at pagpapa­konserbatibo ni ROBIN PADILLA. Naniniwala siya na kailangan pa rin ng babae ang lalaki para maging kompleto ang buhay nito at kailangang magpakasal ang mga nagsasamang babae at lalaki. Itinataguyod n’ya ang paggamit ng wikang Filipino sa media ng mga banyagang piniling manatili rito sa Pilipinas. Walang dudang malaki ang kontribusyon ng charisma n’ya sa naging mataas na ratings ng Kapamilya shows na Pilipinas Got Talent at Sana Dalawa ang Pusonoong 2018. Hayagan siyang pro-Duterte sa Instagram posts n’ya at ‘di nakababawas ‘yon sa kasikatan n’ya sa showbiz.

11. Flag carriers at angkla ng patuloy na pamamayagpag ng KAPUSO NETWORK ang Eat Bulaga at sina Dingdong DantesMarian Rivera, Dennis Trillo, at Jennylyn Mercado. Dagdag na pang-akit lang ang young stars ng network.

12. Nanguna ang KAPUSO NETWORK sa pagtalakay sa entertain­ment programming nila na talamak na sa Pilipinas na sakit na HIV positive sa pama­magitan ng seryeng Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Sa non-entertainment programming ng network, nag-ulat din ang Kapuso Mo, Jessica Soho tungkol sa paglaganap ng sakit na HIV. Tahimik ding ipinalabas sa mga eskuwelahan ang pelikulang Pusit ni Arlyn de la Cruz na tungkol sa mga taong HIV positive na. Ang Pusit ay slang para sa “positive.”

(ABANGAN PO ANG PART 3)

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …