Tuesday , December 9 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Frontrow nina RS Francisco at Sam Versoza, handog ang The Biggest Charity Music Festival

ISANG espesyal na okasyon ang magaganap sa December 16 na tinaguriang The Biggest Charity Music Festival of 2018. Ang naturang event ay handog ng Frontrow Cares ng Front­row founders na sina RS Francisco at Sam Versoza. Sa nakaraang mga taon, ang Frontrow ay aktibong tumu­tulong sa charities and organi­zations na nangangailangan ng suporta, pero nitong 2018 sila humataw nang husto sa pagtatayo ng Frontrow Cares.

Nagsimula ito nang ang Frontrow’s co-founder and award-winning actor na si RS Francisco ay ginawa ang one of the most critically acclaimed productions, ang M Butterfly at ibinigay niya ang 100% pro­ceeds sa iba’t ibang charitable institutions. “It’s the most fulfilling thing ever,” saad ni RS.

Actually, kahit na hindi pa ganito kalaki ang Frontrow noon ay mapagkawanggawa na talaga ang naturang kompanya. Sa pagbabalik-tanaw ni RS Francisco sa ginagawang pag­tulong ng kanilang kom­pan­ya sa mga nanganga­ilangan, nalaman namin na minsan, imbes gamitin sa renovation ng kanilang office at sa bonggang Christmas party ay nagpasya silang itulong na lang sa charity ang pera.

“This is just the beginning. Blessings are best ex­perienced when shared and here in Frontrow, we want to encourage a culture of generosity. Basta thankful lang tayo,” sambit naman ni Sam.

Hindi dapat palagpasin ang The Biggest Charity Music Festival of 2018 na pangu­ngunahan nina Ely Buendia, Parokya ni Edgar, Billy Craw­ford, Gloc 9, Callalily, Andrew E, Spongecola, at ni Jake Zyrus ang The Biggest Charity Music Festival of 2018 sa Dec. 16, Sunday at the MOA Concert Grounds. Makakasama rin dito ang Ex-battallion and Chicser, DJ Ace Ramos, and Frontrow’s homegrown talents Luxxe Stars.

For tickets, visit the SM Tickets website or call 470-22-22. All proceeds will go to the chosen charity. For further information about the concert and Frontrow, visit the official Frontrow website and follow Frontrow Philippines on Face­book.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zanjoe Marudo Ria Atayde Unmarry

Zanjoe nilinaw ‘di totoong hiwalay kay Ria; Gagawa pa ng baby next year

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI totoo! Iyan ang sagot ni Zanjoe Marudo sa pang-uusisa kung totoong hiwalay …

Kean Cipriano

Kian suportado pagpasa Divorce Bill

MATABILni John Fontanilla GUSTONG makapasa ni Kean Cipriano ang Divorce Bill para mabigyang kalayaan ang mga taong naiipit o …

Will Ashley Dustin Yu

Will Ashley hindi nakikipag-kompitensiya kay Dustin Yu

MATABILni John Fontanilla HINDI kalaban ang turing ni Will Ashley sa kanyang co-PBB Collab 2.0 na si Dustin Yu. …

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …