Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jam Leviste

Second single ni Jam Leviste titled “Nawawala Ako Sa Sarili,” kaabang-abang

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG talented na singer na si Jam Leviste ay mayroong bagong single. Ito bale ang second niya at pinamagatan itong “Nawawala Ako Sa Sarili”. Siya ay isa sa talents ni Audie See.

Katatapos lang ng matagumpay na “OPM: Then & Now” concert sa Music Museum na naging bahagi si Jam at magandang follow-up ang kanyang new single sa umuusbong na singing career ng dalagita

Kuwento ni Jam, “Mapapakinggan na po ang second single ko ung “NASSA” (Nawawala Ako Sa Sarili) danceable po ito, composed by Mr. Vehnee Saturno at malapit na rin po mapanood ang music video ko directed by Mr. Kenneth Anderson.

“This song is regarding sa isang tao na in-love na kapag nakita niya iyong taong iyon ay nawawala siya sa focus. Masaya ang song na ito dahil may kilig sa tuwing nakakaharap niya yung taong love niya.”

Nalaman namin na idol ni Jam sina Sarah Geronimo, KZ Tandingan, at Janine Berdin at wish niyang maka-jamming sila balang araw.

Esplika niya, “Bata pa lang po ako ay hilig ko na ang kumanta. Around six years old po ako noon, noong nine na po ako ay doon na ako kumakanta-kanta talaga. Bandang 11 or 12 ako nagsimulang lumaban sa schools.” 

Supportive ang parents niya sa kanyang singing career, kaya very thankful naman si Jam. Promise naman niya sa kanyang mga magulang na hindi niya pababayaan ang kanyang studies. Dream ni Jam na maging isang pilot, someday.

Si Jam ay 14 years old, grade 8 student sa Stella Maris Academy of Malolos, at ang kanyang unang single ay ‘Awit Ng Puso’ ni Vehnee Saturno. Ang second single niya ay mapapakinggan sa Spotify at radio promo, mapapanood din ito sa Youtube.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …