SA gitna nang agam-agam na nagbabalak ang mga halal na opisyal na palawigin ang kanilang mga termino, ipinasa kahapon ang panukalang pagbalasa sa Saligang Batas.
Ang makikinabang dito ay mga kongresista at mga lokal na opisyal.
Tatlo lamang ang nag-abstain sa botohan na nagresulta sa 224 apirmatibo at 22 kontrang boto sa Resolution of Both Houses No.15.
Pinangangambahan na hindi ito ipapasa ng Senado.
Ayon kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus, sa pagpaliwanag ng kaniyang boto, wala naman dahilan na amiyendahan ang Saligang Batas.
Ayon kay dating Speaker Pantaleon Alvarez, ang botohan ng Senado at Kamara ay pag-iisahin at hindi na kailangan ang Senado sa botohan kung ayaw nila rito.
Aniya, walang sinabi ang Saligang Batas kung paano bomoto rito basta ang kinakailangan ay ¾ positibong boto para maipasa ang panukala.
Sa draft constitution ng Kamara, ang presidente at bise presidente ay pagbobotohan ng taong-bayan at magsisilbi sa loob ng apat na taon at maaaring tumakbo ulit sa susunod na eleksiyon.
ni Gerry Baldo