ISA tayo sa mga nagulat kung bakit napakabilis kumalat sa merkado ang nakamamatay na lambanog.
Kailangan munang maraming mamatay bago kumilos ang Food Drug Administration (FDA).
Tingnan n’yo nga naman, kapag mga imbensiyon na nakatutulong sa kalusugan ng mga mamamayan, napakahigpit ng FDA.
Pero kapag mga pambisyo gaya ng nasabing lambanog, napakabilis aprobahan ng FDA.
Aprobadong tiyak dahil kalat na sa merkado ‘yang lambanog na ‘yan.
Samantala ‘yung produkto ni Dra. Farrah, isang anti-oxidant na maraming napagaling, napilitang magsara at itigil ang produksiyon dahil sa rami ng rekesitos at masyadong paghihigpit ng FDA.
Ibang klase talaga ang batas sa ating bansa.
Talaga bang ang FDA ay may tinititigan at may tinitingnan depende sa mga cash ‘este kasunduan?!
Ano ba talaga ang nangyayari diyan sa FDA Director General Nela Charade Puno?!
Nagtataka tayo kung bakit sikat na sikat kayo sa ibang maliliit na negosyante gayong kayo ang director general.
Kayo ba ang direktang nakikipag-usap sa mga naghahain ng kanilang aplikasyon para sa FDA?!
Pakiklaro na nga po ang isyu at marami na tayong mga kababayan ang apektado sa pagsasara ng klinika ni Dra. Farrah.
Ano ba talaga ang ‘malaking’ dahilan DG Puno?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap