Friday , November 22 2024

Dagdag-buwis sa petrolyo tuloy sa Enero (Suspensiyon binawi)

BINAWI ng administrasyong Duterte ang naunang  pahayag na suspen­dehin ang dagdag na buwis sa langis sa susunod na taon.

Sa ipinatawag na press briefing ng Depart­ment of Finance, inia­nunsiyo ni Finance Secretary Carlos Domi­nguez na itutuloy na ang pagpapataw ng dagdag na dalawang piso sa kada litro ng langis simula Enero 2019.

Katuwiran ni Domi­nguez, hindi nakikita ng Development Budget Coordinating Committee (DBCC) na may panga­ngailangan pang ipatu­pad ang suspensiyon ng pagbubudahil patu­loy na bumababa ang pre­syo ng langis sa pan­daigdigang pamilihan.

Binigyang diin ni Dominguez, dapat mau­nawaan ng publiko na ang pangongolekta ng pama­halaan ng dagdag na buwis sa langis ay hindi dahil gusto lang nilang mang-inis ng mama­mayan, kundi para pasig­lahin ang ekonomiya at ipantustos sa mga pro­yekto ng gobyerno na pakikinabangan ng ma­yorya ng mga  Filipino.

Ikinonsidera rin aniya ng DBCC ang matinding epekto sa kita at gastusin ng gobyerno para sa fiscal year 2019, kung itutuloy ang suspensiyon ng dag­dag-buwis sa produk­tong petrolyo.

Ayon kay Domi­nguez, kapag itinuloy ang suspensiyon sa pagpa­patupad ng TRAIN Law sa langis sa susunod na taon, magreresulta ito sa net revenue loss o pag­kalugi ng P43.4 bilyon para sa 12 buwang panahon, sakaling ipala­gay na ang average na presyo ng Dubai crude oil ay bababa a sa 65 dollars kada bariles sa 2019.

ni ROSE NOVENARIO

 

About Rose Novenario

Check Also

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *