Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Geronimo Ronnie Liang
Sarah Geronimo Ronnie Liang

Ronnie Liang, matatag pa rin sa loob ng 12 taon (Excited na sa collaboration nila ni Sarah)

HALIMAW kung ilarawan ni Ronnie Liang si Sarah Geronimo. Isa si Ronnie sa madalas kasama ni Sarah sa mga concert kaya naman ang Pop Royalty din ang gusto niyang maka-collaborate.

Actually, magkakaroon sila ng duet ni Sarah very soon sa ilalim ng Viva Records.

Ayon kay Ronnie, matagal na niyang pangarap ang maka-collaborate ang singer aktres at natutuwa siyang excited din si Sarah na maka-duet siya.

“Natuwa nga po si Sarah. Nangumusta siya, at siya rin po ang nag-follow up kung ano ang babagay na song sa aming dalawa,” kuwento ni Ronnie nang minsang makatsikahan namin ito para sa bagong labas niyang album, ang 12onnie Liang na ang R ay ginawang 12 bilang selebrasyon ng kanyang ika-12 anibersaryo sa showbiz.

Ani Ronnie, isang original song ang kanilang gagawin nila ni Sarah.

Bukod sa collaboration, pinaghahandaan na rin niya ang isang major solo concert sa New Frontier Theater (dating KIA Theatre) na isa si Sarah sa magiging special guest.

Ang 12onnie Liang album naman ay may 10 tracks kasama ang minus one ng lahat ng kantang nakapaloob dito. Ang carrier single nito ay Tila na binigyan ng bagong tunog at areglo na kinanta noon ni Clara Benin. Kasama rin dito ang Ligaya, Yakap, Sa ‘Yo Na Lang Ako, at Pakisabi Na Lang ng The Company.

Thankful si Ronnie sa 12 taong pananatili niya sa recording at showbiz. Kasi naman hindi rin siya nawawala ng project at visible siya sa mga out of town at country shows.

Sa first batch ng reality talent search noon ng ABS-CBN na Pinoy Dream Academy, sila na lang ni Yeng Constantino (grand winner) ang active at nananatili sa showbiz.

“I’m very thankful, I’m still here. Ang daming artista at mga bagong singer na pumapasok, pero until now nandito pa rin ako, nararamdaman pa rin nila ako. At saka kung dati kanta lang, ngayon umaarte na rin,” ani Ronnie.

Pangarap din ni Ronnie na magkaroon ng pelikulang siya ang bida.

“Nangangarap po akong magkaroon ng lead role sa isang serye. Another hit song. Successful concert. Movie rin sana na ako ‘yung lead.

“Naniniwala naman po ako sa God’s perfect timing at minsan ganoon talaga, you have to wait. Pero ngayon I’m very thankful sa lahat ng blessings. Lalo na sa Viva at sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta sa akin.”

At next year, mapapanood siya sa isang pelikulang pinagbibidahan ni Cristine Reyes mula Viva Films.

Anang binate, umaasa siyang very soon ay magkakaroon uli siya ng bagong teleserye.

Sa kabilang banda, ipinagpapasasalamat din ni Ronnie ay ang patuloy na pagkagiliw sa kanyang awiting Ngiti. Katunayan, kumikita pa rin siya rito dahil sa royalty.

At in fairness, kapag pinatutugtog ito’y alam ng lahat pinatutugtog pa rin ito sa mga radio station, ginagamit na theme song at jingle sa mga commercial.

At bago nagtapos ang aming pag-uusap, nag-imbita si Ronnie sa kanyang fans at sa mga nagnanais na makita siya. Isang show ang  gagawin niya sa Sta. Rosa Sports Complex sa Nov. 30 kaya kitakits.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Hintayan ng Langit nina Eddie at Gina, mapapanood na nationwide
Hintayan ng Langit nina Eddie at Gina, mapapanood na nationwide
Fall for Fashion, fashion show for a cause
Fall for Fashion, fashion show for a cause
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …