Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Dingdong Dantes Zia
Marian Rivera Dingdong Dantes Zia

Marian, humihirit na agad ng isa pa (‘di pa man nailalabas ang 2nd baby)

SA pakikipag-usap namin kay Marian Rivera, sinabi niyang mas hirap  siya ngayon sa ikalawang pagbubuntis, kompara noon sa panganay nila ni Dingdong Dantes na si Zia.

“Iba ‘yung kay Zia, iba ‘yung ngayon. Siguro ‘pag ikinompara ko, mas madali ‘yung kay Zia kaysa ngayon. Hindi ko nga alam, eh. ‘Yung kay Zia, hindi ako malakas kumain, dito, sobrang lakas kong kumain,”sabi ni Marian.

Patuloy niya, “Tapos ‘yung kay Zia, mahilig ako sa mga chocolate, sa  candies, ngayon baligtad, gusto ko mga maaasim at maalat. Ang mga kinakain ko, kamias, manga, at saka maaalat. Weird nga, eh. Tapos, minsan, ‘pag bumabiyahe ako, ‘pag traffic, tapos parang ang gulo ng kalsada, nahihilo at nasusuka ako.”

Sa kamias naglilihi ngayon si Marian.

“’Yun ang unang-unang hinanap ko kay Dong, gusto ko ng kamias.”

Kahit sa gabi ba, naghahanap siya ng kamias?

“Hindi! Mabait akong magbuntis, eh. ‘Pag araw lang, para hindi mahirap hanapin. At saka roon sa unahan ng bahay namin, may puno ng kamias. Pinipitas-pitas na lang naming.”

So, ayaw niya na ngayon ng chocolates?

Babae ba ulit o lalaki na ang susunod na magiging anak nila ni Dingdong?

“Ise-share naman namin sa inyo kung anong gender sa end of November,” ang natatawang sagot ni Marian.

“Maraming hula, babae raw. May mga nagsasabi, boy naman.”

Pero para kay Marian, okey lang sa kanya kung babae ulit o lalaki na ang susunod na magiging anak nila ni Dingdong.

“Kahit ano, okey ako. Pero sana, bigyan pa kami ni Lord, huwag ito ang last, isa pa. Hindi pa nga lumalabas (‘yung baby), humihirit na agad,” natatawang sabi pa ni Marian.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …