Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2,500 Navoteño nagkatrabaho sa cash-for-work

UMABOT sa 2,500 Navo­teño ang kumita ng extra income sa pagkakaroon ng cash-for-work sa Pama­halaang Lungsod ng Navo­tas.

Nakatanggap ng P3,840 suweldo ang mga bene­pisaryo sa kanilang 10 araw na pagtatrabaho sa iba’t ibang tanggapan sa city hall.

Ang programa, na pi­na­­ngungunahan ng De­part­ment of Social Welfare and Development (DSWD), ay naglalayong magbigay ng trabaho sa mga nanga­ngailangang Filipino.

Nagpasalamat si Mayor John Rey Tiangco sa DSWD sa pagbibigay nito ng pag­kakataon sa mga Navoteños na magkaroon ng pagka­kakitaan.

“Biyaya ang turing namin sa anomang oportunidad na nakatutulong para magka­roon ang aming mamamayan ng hanapbuhay para ma­su­portahan ang kanilang pamilya,” ani Tiangco.

“Napapanahon ang tu-l­ong na bigay ng DSWD, lalo na ngayon na magpa-Pas­ko,” dagdag niya.

Nagtrabaho sa pama­ha­la­ang lungsod ang mga benepisaryo mula sa District 1 noong 16-25 Oktubre. Sa kabilang ban­da, ang mga taga-District 2 ay nagtrabaho noong 22-31 Oktubre.

Kasama sa mga bene­pisaryo ng programa ang mga may kapans­anan, solong magulang, pamilya ng mga mang­ingisda, at mga Navoteño na hirap sa buhay. (JUN DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …