Friday , November 22 2024
Arlyn dela Cruz-Bernal 1936 The Islanders in Berlin
Arlyn dela Cruz-Bernal 1936 The Islanders in Berlin

Astig na filmmaker, isasapelikula ang partisipasyon ng mga Pinoy sa Olympic Games sa Berlin

ASTIG talaga ang mga babaeng filmmakers ngayon. Binibigyan na sila ng mga astig na pelikula sa iba’t ibang kapasidad.

Kalalabas lang ng balitang ididirehe ni Arlyn dela Cruz-Bernal (opo, ‘yung astig na broadcast journalist) ang isang extraordinary event sa Philippine Basketball History: ang partisipasyon ng mga Pinoy sa 1936 Olympic Games sa Berlin, Germany noong panahon ng diktador na si Adolf Hitler.

Samantala, babae rin ang cinematographer na kinuha ng Lonewolf Productions ni Benedict Mique noong ginawa n’ya ang ML para sa Cinemalaya 2018 na pumangalawa ito sa Liway sa laki ng kinita.

Si Anne Monzon ang kinuha ng Lonewolf para sa kauna-unahang produksiyon nito. Kaunti lang ang babaeng cinematographers sa bansa. At kahit na ‘di nagwagi ang pelikula ng Best Cinematography, ikinagagalak pa rin ng Lonewolf na maraming pumuri sa cinematography ng pelikula na ipalalabas na nationwide simula sa November 7.

Nagwaging Best Actor si Eddie Garcia sa Cinemalaya 2018 at Best Editing naman si Mikael Angelo Pestano para sa pelikula na tampok din ang aktor si Tony Labrusca.

“Happy naman kami sa resulta ng unang project ng Lonewolf Productions. We’ll surely be happier if ‘ML’ does well in it’s nationwide release,” tsika ni Direk Benedict.

Sa kabilang banda, ‘yung sisimulan nang isyuting ni Direk Arlyn na pelikula ay 1936: The Islanders in Berlin ang titulo. Original film project ito ng veteran sports anchor-writer na si Bill Velasco, na co-producer din ni Direk Arlyn sa pelikula.

“The movie will pay tribute to the Filipino basketball players who placed fifth overall at the 11th Summer Olympics. It is up to this day the highest finish of any Asian team in Olympic basketball history,” pahayag ni Bill na producer ng sports documentaries para sa international cable networks mula pa noong 2010.

The Islanders ang tawag sa Philippine team noon dahil ‘Philippine islands’ pa ang tawag sa ating bansa noong 1936.

“What we want to do is to somehow honor the Philippine team and bring to light the historical injustice committed against them,” proklama ni Bill.

“It’s well-documented that the Olympic basketball rules were changed when the Philippines was winning and while the tournament was going on,” pagbubunyag ng astig na sports journalist batay sa extensive research and recorded interviews na nahanap n’ya. Ang isang interviewee ay sa yumao nang Senator Ambrosio Padilla na naging team captain noong 26 years old siya.

Maraming kabulastugang ginawa ang administrasyon ni Hitler at ang US coaches noong 1936 Olympics kaya naka- fifth place lang ang Philippine team.

“There was really no opportunity for people to raise hell about it because the war broke out and there were no Olympic games in 1940 and 1944, so it got forgotten,” paliwanag ni Bill.

Tungkol sa cast ng pelikula, may pahiging si Bill na baka makuha nila si Jhong Hilario para gumanap na Jacinto Ciria Cruz, ang co-captain ng team.

“Jhong and Jacinto have the same built, same height, color and everything…but Jhong is too busy with TV projects (‘Ang Probinsyano,’ ‘It’s Showtime!’) and as Makati City councilor, but we are negotiating with him,” pasubali ng producer- writer ng pelikuka.

Blank Pages Productions ang pangalan ng kompanya ni Direk Arlyn na magpo-produce ng 1936: The Islanders in Berlin.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Lala Sotto

Negros Occidental katuwang na ng MTRCB tungo sa Responsableng Panonood

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY na idinaos ng Movie and Television Review and Classification …

Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na …

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *