Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barangay 143 Kelley Day Migo Adecer Julie Anne San Jose Ruru Madrid
Barangay 143 Kelley Day Migo Adecer Julie Anne San Jose Ruru Madrid

Barangay 143, wagi na sa ratings, trending pa

MAINIT na tinanggap ng mga manonood ang pilot episode ng first Fiipino anime series na Barangay 143 noong nakaraang Linggo (Oct 21).

Base sa overnight data (individuals) ng AGB Nielsen NUTAM, wagi ang Barangay 143 sa timeslot at nakakuha ng rating na 4.4% kompara sa kalaban nito na may 3.2%.

Top trending topic din ang official hashtag nito na #Brgy143AngSimula sa Twitter na bumuhos ang mga papuri ng netizens sa anime na nilikha ng Synergy88 Entertainment Media Inc, August Media Holdings, TV Asahi, at ASI Studios.

Pilot episode pa lang grabe na. Paano pa yung mga susunod na episode. Tunay ngang marami pa tayong aabangan. Congrats @brgy143!” sabi ni @iamjayyemm.

Ang galing! Nakaka-excite ang mga mangyayari. Ang ganda ng story. Ang galing ng pagkaka-dub. Excited na kami mapanood ang next episode,” sabi naman ni @iris_Sarana.

Sulit ang pinaghirapan! Kudos sa gawang Pinoy. Keep it up!” sabi ni @kookai44418145

Nakilala na nga ng bayan ang binatang si Bren Park at nakita kung paano nalagay sa peligro ang kanyang pamilya habang papunta sana sa kanyang basketball game. Ipinakilala na rin ang mag-amang Vicky at Coach B at kung paano nila binabangon ang kulelat na basketball team na Puzakals.

Pakatutukan ang first Filipino anime series na Barangay 143, tuwing Linggo, 10:a.m. sa GMA.

Tuloy ang viewing experience online dahil mapapanood ang Barangay 143 Game Na live sa Facebook, 10:30 a.m., na may pre-show ng 9:45 a.m.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …