Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ayon sa PAGASA: Bagyong Rosita katulad ng Ondoy

INAASAHANG bubu­hos nang maraming ulan ang Typhoon Rosita (international name: Yutu) sa Northern at Central Luzon katulad ng Bagyong Ondoy no­ong 2009, ayon kay Aldsar Aurelio, weather forecaster ng PAGASA, kahapon.

“Ang torrential na pag-ulan ay katulad nang pagbagsak ni On­doy. Nakapalaki nitong bagyo at compact ang ulap,” pahayag ni Aure­lio bilang paglala­rawan sa posibleng dami ng ibubuhos na ulan ng bagyong Rosita.

Binalaan niya ang mga residente sa land­slide-prone areas at ma­ba­bang mga lugar na lumikas.

Sa kasalukuyan, ang bagyong Rosita ay tina­tayang babagsak sa kalu­paan sa Isabela-Aurora area sa Martes.

Dakong 3:00 am ni­tong Linggo, ang Bag­yong Rosita ay namataan sa 980 kilometers mula sa silangan ng Aparri, Ca­gayan at patungo sa northern Luzon.

Susundan nito ang landas na tinahak ng Typhoon Ompong nang salantain ang northern Luzon noong Setyem­pre.

Napanatili ng Bag­yong Rosita ang kan­yang lakas at may lakas ng hangin hanggang 200 kilometers per hour (kph) at pagbugsong hang­gang 245 kph, habang kumikilos ng 20 kph.

“Itong lakas ng hangin kayang patum­bahin ang mga puno, ang mga poste,” ayon kay Aurelio.

Ang Bagyong Rosita ay may diameter na 800 kilometers, ibig sabihin maaari nitong maapek­tohan ang iba pang mga lugar katulad ng Metro Maila.

“Lalakas pa, dahil sa darating na oras at tata­hakin niyang dagat, ay sufficient para mag-produce ng energy na kailangan ng bagyo,” ayon kay Aurelio.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility sa 1 Nobyembre, pahayag ni PAGASA weather specialist Meno Mendo­za kahapon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan

Manigong Bagong Taon: Pamamahagi ng New Year Food Packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau

QUEZON CITY — Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, pinangunahan ni Cong. Brian …

NBI VACC

Estudyanteng Pinay na ginamit para sa extortion laban sa isang negosyante nagpasaklolo sa NBI

HUMINGI  ng saklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 18-anyos estudyanteng   Pinay kasama …

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …