Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ElNella Elmo Magalona Janella Salvador
ElNella Elmo Magalona Janella Salvador

ElNella, buwag na; Elmo, deadma na kay Janella

“SINO ang pumigil kay Elmo (Magalona) na mag-isyu ng public statement para akuin ang pananakit niya kay Janella (Salvador)?”ito ang sunod-sunod na tanong sa amin ng mga kaibigan naming nasa ibang bansa.

Nabasa kasi nila sa online na sinabi ni Janella Salvador sa panayam niya sa Philippine Star na lumabas nitong Miyerkoles, Oktubre 24, ”My purpose in speaking now is not to shame him or to put him down; I just want to correct the lies being spread against me and my mom, and to let the truth out. I thought long and hard before I decided to speak up and own up to what he did but it seems somebody is stopping him from doing it.”

Wala kaming alam kung sino ang pumigil sa aktor na magsalita para malaman ng publiko kung ano ang nasa likod ng pananakit niya kay Janella kamakailan. Ito rin ang ipinagtataka ng marami dahil nanatiling tahimik ang kampo ni Elmo tungkol dito gayung kilala naman ang binata na kapag may isyu ay madali siyang lapitan at kaagad na nagpapaliwanag.

“Sino nga ang pumigil?” diin ulit sa amin.

May nakausap kaming taong malapit sa aktor at ang sabi sa amin, ”mas piniling manahimik na lang para hindi na lumaki ang isyu kasi explain-explain pa tapos tatanungin ulit siya, alam mo ‘yun, walang katapusan. It doesn’t matter kung may pumigil o sino.”

Dagdag pa, ”tutal inamin naman ni Janella na focus na siya sa sarili niya ngayon after two years of being together nila ni Elmo, so keri na ‘yun.”

Sa madaling salita, hiwalay na sina Janella at Elmo Magalona, so wala ng ElNella? Kaya pala may pelikulang ipi-pitch sa aktres na hindi si Elmo ang leading man.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Ate Guy sa pagkalaglag muli bilang NA — Bakit pa nila ako isinali kung hindi naman pala ako karapat-dapat?

Ate Guy sa pagkalaglag muli bilang NA — Bakit pa nila ako isinali kung hindi naman pala ako karapat-dapat?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …