Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Alden Richards
Coco Martin Alden Richards

Alden, suko na kay Coco

TOTOO bang hanggang November na lang ang Victor Magtanggol ni Alden Richards?

Pero may tsika na baka umabot pa ito sa susunod na taon.

Mabuti kung umabot pa ito sa susunod na taon dahil mangangahulugang maraming tao ang mayroong trabaho. Kaya lang, may pagdududa pa rin sa aspetong ito dahil hanggang ngayon ay wala pang advise from the executives of GMA-7.

Aminado si Alden na mahihirapan silang lampasan o matapatan man lang ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin which is great gesture from the actor, ang pagiging humble.

Aniya, tanggap niya kung ano man ang mangyayari dahil hindi niya ito kontrol. Ang tanging nagpapa-inspire sa kanila and to keep them going ay ang feedbacks at reactions ng mga nanonood lalo na ‘yung galing sa mga bata.

“’Yun po ‘yung drive namin to be more passionate about our work. Kasi ‘yung mga aspeto natin especially lasting at hindi na po namin control ‘yun eh.

“Ang tanging magagawa namin ay ipagpatuloy lang po ang magandang kalidad ng ‘Victor Magtanggol,’” pahayag nito.

Hindi sa Pilipinag magpa- Pasko ang aktor dahil sa Amerika nila ipagdiriwang ng kanyang pamilya. Ang balita, kailangang bumalik nito bago mag-Bagong Taon dahil kasama siya sa New Year’s Countdown ng GMA-7.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …