NOW it can be told, opisyal ng Kapamilya si Regine Velasquez-Alcasid!
Dalawang taon ang kontrata ni Regine sa ABS-CBN.
Dalawampung taong Kapuso si Regine bago naging Kapamilya.
“The main reason really is, first of all, I just wanna say that 20 years po ako sa GMA and I am very thankful to them.
“I am very grateful to them dahil po sa kanila, napatagal po ang aking career, nabigyan ako ng pagkakataon na mag-host, mag-serye, at marami pang iba.
“So, sa akin po, maraming salamat po sa GMA.”
Tumawa naman ni Regine sa isyung lumipat siya sa ABS-CBN dahil halos kalahating bilyong peso ang halaga ng kanyang network contract.
“Talaga ba,” at tumawa si Regine.
“No…you know, at my age and at the stage of my career, we all know, you know, alam nilang lahat ng mga reporter dito na mga kaibigan ko na, hindi naman ako ilusyonadang tao.
“Alam ko naman kung ano ‘yung lugar ko sa industry.
“Sobra akong touched na touched sa welcome na ibinigay sa akin ng ABS-CBN kasi hindi ko akalain na ganoon ako kaimportante, hindi po ako mailusyonadong tao.
“But the reason why I’m here is because hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang kumanta, and I want to work with their talented singers.”
Isa sa mga dahilan ng paglipat ni Regine sa Dos ay para makatrabaho ang ibang mga artista at singers sa Kapamilya Network.
Ang ilan sa mga nais makatrabaho ni Regine ay sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Piolo Pascual, Morissette Amon, at Sarah Geronimo.
Siyempre pa, pati ang mga rati niyang kasamahan sa defunct show nila sa GMA-7 na SOP na sina Jaya, Janno Gibbs, Lani Misalucha, at ang mister niyang si Ogie Alcasid na mga nasa Dos na rin.
Ang mga magiging shows ni Regine ay ang ASAP, isang musical sitcom kasama sina Ogie at Ian Veneracion, at bilang isa sa judges ng upcoming singing competition na Idol Philippines.
Biro pa ni Regine, “Lahat papatulan ko, eh. Pati news!”
Natanong si Regine kung paano siya mapapapayag na muling mag-drama sa isang serye.
“Kailangan pogi ‘yung leading man, okay na ba yun?”
Wala naman siyang masyadong requirement kundi, “Siguro ang ire-request ko lang ‘yung huwag masyadong madrama.
“Kasi nai-stress ako ‘pag madrama. Sanay na kasi ako roon sa…
“Hindi ko kaya. I mean I can do it pero nasanay na ako roon sa medyo light, kasi nga minsan, naiuuwi ko ‘yung character, eh.
“So gusto ko ‘yung at the end of the day, comedy pa rin, happy pa rin. At saka roon ako comfortable talaga.
“So ‘yun lang naman ‘yung ire-request ko siguro, na sana hindi masyado kasi ‘yung mga comedy naman, mayroon ding drama.”
Rated R
ni Rommel Gonzales