Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2019 budget ipapasa ngayong 2018

PAPASA sa Kamara ang panukalang budget ng bansa para sa 2019 bago magtapos ang 2018.

Ayon kay Compostela Valley Rep. Maria Carmen Zamora, senior vice chairperson ng House committee on appro­priations, ang P3.757-trilyong national budget para sa 2019 ay maaaring pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang Disyembre.

Nangangamba ang oposisyon na maulit ang 2018 budget kapag nabigo ang Kamara na maapro­bahan ang National Expen­ditures Program sa pangatlo at huling pagbasa bago mag-recess nang isang buwan para sa Undas.

Ayon kay Zamora, ang General Appro­priations Bill (GAB) ay kasalukuyang pinag-uusapan ng tinatawag na “small committee” na pinagtutugma ang mga magkakasalungat na probisyon ng budget sa loob ng House Bill (HB) No. 8169 o ang national budget.

Ani Zamora, ang plenaryo ay nakatakdang bumoto sa pagbalik sa 12 Nobyembre para aprobahan ang pamba­n-sang budget.

Pagkatapos maapro­bah­an sa Kamara, ang panukala ay dadalhin sa Senado para pag-isahin ang bersiyon ng dalawang kapulungan.

“Once both Houses of Congress agree, then we can finally send the budget to the President for his approval,” ani Zamora.

Naantala ang pag-aproba ng budget matapos matuklasan ang umano’y P52-bilyones ‘pork’ para sa ilang mga kongresistang kaalyado ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Iniutos ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na himayin ang mga nakatagong ‘pork’ para makinabang ang distrito ng mga kongresista.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …