Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cha-cha ‘dead on arrival’ sa senado

‘DEAD ON ARRIVAL’ o wala nang oras sa Senado para talakayin ang charter change o pagbabago ng Saligang Batas tulad ng isinusulong ng Kamara de Representantes.

Ito ang magkakaha­lintulad na pahayag ng ilang senador makaraan ilabas sa Kongreso ang panibagong federal charter draft na nagsasa­ad na hindi si Vice Pre­sident Leni Robredo ang maaaring pumalit kay Pangulong Rodrigo Du­ter­te kundi ang Senate President.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, ‘dead on arrival’ na sa Senado ang usapin sa cha-cha.

Paliwanag ni Drilon, panahon na ng budget deliberations at ilang araw na lamang ay filing na ng certificate of can­didacy ng re-electionist senators.

Iginiit ni Drilon, napagkasunduan nilang mga senador na hihin­tayin muna nila ang committee report ng Senate committee on constitutional amend­ments and revision of codes and laws, na pina­mumunuan ni Senador Francis Kiko Pangilinan.

Sa panig ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, naniniwala siyang wala nang oras ang Senado at gagahulin na sila para talakayin pa ang charter change

Nauna nang binatikos ni opposition Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang mga kongresista na nagpanukala ng paniba­gong draft para sa ika­kasang charter change.

Ayon kay Pangilinan, tila pinaglalaruan na lamang ng ilang mga mambabatas ang Kons­titusyon.

Imbes tumulong sa paghahanap ng solusyon sa mga suliranin sa bansa ay pagpapahaba ng ter­mino at pagkapit sa poder ang kanilang inaa­tupag.

Dahil dito, mensahe ng mambabatas sa mga naturang kongresista na mahiya sa taong bayan lalo’t hindi na magkan­daugaga ang ang mahi­hirap kung saan at paano kukuha ng pangkain at pasahe sa araw-araw da­hil sa pagtaas ng inflation rate sa bansa.

ni CYNTHIA MARTIN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …