Saturday , November 23 2024

SSS nagagalak sa pagpondo ng GAA sa Expanded Maternity Benefit

IKINATUWA ng Social Security System (SSS) ang mabilis na pagpasa ng panukalang palawigin ang maternity benefit para sa mga manggagawang kababaihan at pagtukoy sa panggagalingan ng pondo para dito.

Ayon sa panukalang batas na 105-Day Expanded Maternity Leave Law of 2018, na pinagsamang Senate Bill 1305 at House Bill 4113, magtatalaga ng pondo mula sa General Appropriations Act para sa pagpapatupad ng batas.

“Lubos kaming nagpapasalamat sa bicameral committee dahil kanilang nakita ang pangangailangan ng sapat na pagkukunan ng pondo upang maipatupad ang panukalang batas. Naiintindihan namin sa SSS ang kanilang pagsulong ng mas makabuluhang social security protection para sa mga manggagawang kababaihan lalo na at nalalagay sa peligro ang kanilang buhay habang at pagkatapos ng kanilang pagdadalang-tao,” sinabi ni SSS President at Chief Executive Emmanuel F. Dooc.

Gayunpaman, nilinaw ni Dooc na ang kanyang pahayag ay sa base pa lamang sa ulat na ibinigay ng pangkat ng SSS na dumalo sa bicameral conference committee kahapon. Hindi pa nakakakuha ang SSS ng opisyal na report mula sa komite.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang kasalukuyang bilang ng araw na binabayaran sa maternity leave ay tataas sa 105 araw mula sa 60 araw at 78 araw mula sa normal at caesarian na panganganak. Para naman sa mga solong magulang, may karagdagang 15 araw o kabuuang 120 araw na maternity benefit. Wala na ring limitasyon ang bilang ng panganganak kumpara sa kasalukuyang limitasyon ng apat na panganganak.

“Hindi pa namin napag-aaralan ang mga numero para sa inaprubahang panukalang batas at ang aming mga pag-aaral ngayon ay para sa mga naunang panukala na 100-araw at 120-araw. Sa actuarial study para sa panukalang 100-araw, tataas ang babayaran ng SSS sa maternity benefit ng P3.6 bilyon sa unang taon ng implementasyon. Ngunit hindi pa kasama sa pag-aaral ang walang limitasyon sa bilang ng panganganak, gayundin ang dagdag benepisyo para sa solong magulang, kaya kinakailangan din naming ikonsidera iyon. Ilalabas namin ang mga numero mula sa actuarial study sa lalong madaling panahon,” sabi ni Dooc.

Sinabi ng SSS na batay sa pag-aaral ng actuarial group nito, kinakailangan ng dagdag na 0.3 porsyento sa buwanang kontribusyon kung ang 100-day na bersyon ng expanded maternity bill ang naisabatas. Mula sa 11 posyentong buwanang kontribusyon na ina-apply sa kanilang monthly salary credit, tataas ito sa 11.3 porsyento. Masasagot nito ang dagdag na bayarin sa benepisyo at ang pagtaas na pananagutan na idudulot ng pagtaas ng maternity benefit payment sa 100-araw.

Kung maipatupad ang panukalang 100-day maternity leave, tataas ang maternity benefit sa P31,000 o 52 porsyentong pagtaas mula sa kasalukuyang benepisyo.

“Hindi kami tumututol sa anumang panukala na magbibigay ng karagdagang benepisyo sa aming mga miyembro. Sensitibo kami sa pangangailangan ng aming mga miyembro na matagal ng humihingi ng mas mataas na benepisyo sa SSS. Gayunman, hindi namin kaya na manganib ang pananalapi ng SSS kung walang pagkukunan ng pondo para sa mga dagdag na benepisyo,” sabi ni Dooc.

Sa kasalukuyan, ang rate ng kontribusyon sa maternity benefit ay nanatiling 0.4 porsyento sa monthly salary credit ng kwalipikadong miyembro o nasa P64 kada P1,760 buwanang kontribusyon.

Nakapagbayad na ang SSS ng mahigit P3 bilyon halaga ng maternity benefit sa mahigit 157,000 kwalipikadong babaeng miyembro mula Enero hanggang Hunyo 2018. Tumaas ng 12 porsyento ang binayaran sa maternity benefit na may halagang P3.37 bilyon sa unang kalahati ng taong 2018 mula sa P3.01 bilyong binayaran sa kaparehong anim na buwan noong nakaraang taon.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *