Thursday , December 19 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Huling halakhak

Nobody woman should ever feel ashamed of experiencing sexual assault. Angry? Yes. Determined? Fine. In fact, whatever emotion works for you, works for us. Except for guilt. And except for shame.

Because no matter the circumstances. No matter whether you were wearing a short skirt or a long dress. No matter if you went into a shower with a stranger and agreed to do certain things. No matter if you’ve said yes before. No matter what happened – you’re not at fault. It’s not your fault. And there’s nothing to feel guilty about – or ashamed of.

— Actress Reese Witherspoon

 

PASAKALYE:

Text message…

Sana makarating (ito) sa pamahalaang lokal ng San Isidro, Nueva Ecija. Bakit may junkshop sa mga subdivision o village? Mayroon kaya silang permit? Kung may permit, bakit nila binigyan? Ang alam ko, bawal ang junkshop sa residential area kasi maingay ito kapag nagkakarga o nagbababa ng kalakal (bukod sa) mapanganip ang junkshop sa kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan. Marami nang reklamo pero walang aksiyon ang lokal na pamahalaan. – (09558322… Setyembre 11, 2018)

***

ISANG hukom sa Pennsylvania ang naghatol kay US comedian Bill Cosby ng tatlo hanggang 10 taong pagkabilanggo sa salang sexual assault, at sa pamantayan ay ilalagay ang 81-anyos aktor sa kategorya bilang sexually violent predator, na nangangahulugang sasailalim siya sa counselling nang habambuhay at ililista sa sex offender registry.

Nag-ugat ang usapin sa reklamo ng mga biktima ni Cosby, kabilang na si Janice Dickinson. Ibinahagi ng dalaga ang kanyang pakikipagbuno sa kahindik-hindik na alaala ng panggagahasa ng komedyante sa kanya.

Isa lamang si Dickinson, na drinoga muna at saka inabuso ni Cosby noong 1982, sa maraming mga babaeng biktima na nagbigay ng testimonya laban sa aktor. Ayon sa dalaga, binasag ng masamang karanasan niya kay Cosby ang abilidad na magtiwala at nakaapekto rin ito sa kanyang trabaho at uri ng pamumuhay bukod sa pagkawala ng kanyang masayahing personalidad at pakikitungo sa kapwa.

Ani Dickinson: “The rape is etched into my soul. Therapy has helped some but it has not helped to restore my innocence. I was never the same. I will never be the same.”

Gayonman, naging paraan para maibsan ang sakit ng paghatol sa komedyante ng korte.

Ayon sa HuffPost, napahalakhak sa tuwa ang ngayo’y 63-anyos na biktima nang binasa ng hukom ang sentensiya ni Cosby. Aniya, “See, I got the last laugh pal.”

 

REAKSIYON:

Tunay ngang malaking dagok sa buhay ng sinomang babae ang maging biktima ng rape. Hindi lamang ito pisikal na pag-abuso dahil malaki ang epekto nito sa mentalidad at personalidad ng biktima.

Dangan nga lang ay marami ang binabalewala ito at kung minsan pa nga ay sinisisi ng biktima ang kanyang sarili kung bakit siya nagahasa o napagsamantalahan.

Ilang Pinay ang nakaranas nang ganito ngunit sila’y nagsasawalang kibo dahil imbes makiramay ang iba sa kanilang naranasang pait ay kinukutya pa sila at nakakaramdam ng diskriminasyon.

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *