Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Impeachmment complaint vs 7 mahistrado hindi na-dismiss (Boto may discrepancy)

HINDI dismiss ang im­peach­ment complaint laban sa pitong mahis­trado ng Korte Suprema.

Sinabi ito ni Albay Rep. Edcel Lagman, nang kuwestiyonin niya ang desisyon ng House Committee on Justice sa pagbasura sa pinag-isang impeachment complaint laban sa pitong mahis­trado ng Korte Suprema.

Ayon kay Lagman nagkulang sa bilang ang boto para ibasura ang complaint.

Aniya, hindi umabot sa required na boto ang komite para gawin ang pagbasura ayon sa patakaran ng Kamara.

Ayon kay Lagman, ang official at kabuuang miyembro ng Committee on Justice ay 68, kasama ang 34 regular at  miyem­brong 34 ex-officio.

Giit ni Lagman, ang kailangang majority vote alinsunod sa patakaran ay 35 votes at hindi 22 ayon sa pinuno ng komite na si Rep. Doy Leachon ng Oriental Mindoro.

“Consequently, the absolute majority re­quired by the rules on impeachment is 35 votes, not merely 22 votes,” ani Lagman.

Ipinagtataka ni Lag­man kung paano nasabi ni Leachon na ang mi­yembro ng kanyang ko­mite ay 33 lamang at ang 17 na boto ay majority.

Aniya, ang ex-officio miyembro ay 34 at 18 ang bumoto para aprobahan ang resolusyon na ibasura ang pinagsamang im­peachment complainants.

Sa 34 regular mem­bers, apat lamang ang bumoto at nag-aprub sa resolusyon. Ang 22 boto, ani Lagman, ay kulang ng 13 para umabot sa kina­kailangang 35 boto para abutin ang bilang ng majority nang lahat ng miyembro kasama ang regular at ex-officio.

Paliwanag ni Lag­man, ang roll call ng mga pangalan ng 68 miyem­bro ng komite ay tinawag bago mag-umpisa ang pagdinig. Dahil dito, ani Lag­man, bigo mai-dis­miss ang impeachment com­plaint.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan

Manigong Bagong Taon: Pamamahagi ng New Year Food Packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau

QUEZON CITY — Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, pinangunahan ni Cong. Brian …

NBI VACC

Estudyanteng Pinay na ginamit para sa extortion laban sa isang negosyante nagpasaklolo sa NBI

HUMINGI  ng saklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 18-anyos estudyanteng   Pinay kasama …

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …