Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagyong Paeng pumasok na sa PAR

PUMASOK na ang typhoon Trami sa Philip­pine Area of Responsi­bility (PAR) at ngayon ay tinatawag na ito sa local designation bilang Paeng, ayon sa PAGASA nitong Linggo ng hapon.

Sa live briefing ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon, sinabi ni meteo­rologist Ariel Rojas, ang bagyong Paeng ay walang direktang epekto sa Fili­pinas at hindi pa pina­lalakas ang Southwest Monsoon (Habagat).

Maaaring maaa­pektohan nito ang extreme northern Luzon (Babuyan at Batanes islands) sa Biyernes, 28 Setyembre, ngunit sa ngayon ay hindi inaasahang babagsak sa kalupaan. Ito ay inaa­sahang lalabas ng PAR sa Sabdo.

Sa 4:00 pm weather bulletin, sinabi ng PAGASA, namataan ang bagyong Paeng sa 1,315 kilometers ng silangan ng Tuguegarao City, Caga­yan taglay ang maximum sustained winds na 125 kilometers per hour ma­lapit sa gitna at pagbug­song hanggang 155 kilometers per hour.

Si Paeng ay kumikilos nang pakanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Ayon sa state weather bureau, ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makakaranas ng localized thunderstorms na magdudulot ng ba­hag­yang ulap hanggang sa maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …