Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Panganiban Zanjoe Marudo Play House
Angelica Panganiban Zanjoe Marudo Play House

Angelica to Zanjoe — Hindi ko siya nakitang nag-cheat

MAY bagong serye si Angelica Panganiban sa ABS-CBN 2, ang Playhouse, na katambal si Zanjoe Marudo.

Tinanong namin si Angelica kung kamusta si Zanjoe bilang isang leading man.

“Masaya! Magaan siyang katrabaho. Hindi naman siya nali-late (sa set). At  magaling naman siyang artista,” sabi ni Angelica.

Sampung taon nang magkakilala at magkaibigan sina Angelica at Zanjoe, so masasabi ba ni Angelica na basang-basa o kilalang-kilala niya na si Zanjoe?

“Hindi pa rin siguro ganoon ka-basang-basa. Pero siyempre alam ko na kapag hindi niya gusto ‘yung mga nangyari, ‘yung sitwasyon, ayaw niya ‘yung lugar, hindi siya komportable,sa mga ganoon, siguro kilala na namin ‘yung isa’t isa.”

Since single siya ngayon, at single rin si Zanjoe, sakaling ligawan siya ni Zanjoe, ie-entertain ba niya ang panliligaw nito?

“Kung sakali? Diyos ko naman grabe, parang ang choosy ko naman.

“Oo naman ie-entertain ko siya kung gugustuhin niya ako, kung na-pretty-han na siya sa akin.”

Ano ‘yung mga katangian ni Zanjoe na masasabi niyang boyfriend material ito?

“Ang awkward, eh. Kasi nakita ko siya sa lahat ng mga naging girlfriends niya, kaibigan ko ‘yung mga ex niya kaya alam ko siya bilang isang boyfriend.

“Siguro masasabi ko na malambing siya, maasikaso. Talagang hindi ko naman siya nakitaan na parang nag-cheat siya sa naging partner niya.”

Kung sakaling liligawan nga siya ni Zanjoe, at sasagutin naman niya ito, na magiging sila, sa tingin niya, ia-approve ‘yun ng mga ex ni Zanjoe?

“Siguro naman.

“Si Mariel (Rodriguez-Padilla), may anak na, may asawa na. Si Bea (Alonzo), happy na rin naman (sa piling ni Gerald Anderson).”

Ang Playhouse ay napapanood mula Lunes hanggang Biyernes bago ang It’s Showtime sa ABS-CBN 2. (ROMMEL PLACENTE)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …