Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine, ‘di kailangang magpaliwanag; mga anak, nakaaalam ng sitwasyon

SINAGOT ni Sunshine Cruz ang isang kolumnista na nagsabing wala namang naniniwala sa mga reklamo ni Sunshine laban sa hindi pagbibigay ng tamang sustento ni Cesar Montano, kasi kilala naman  si Cesar sa pagiging generous maski sa mga anak lang ng mga kaibigan niya. ”Eh di lalo na sa kanyang mga tunay na anak,” dugtong pa ng kolumnista.

Simple lang naman ang naging sagot ni Sunshine, ”hindi mo alam ang totoong sitwasyon.”

Sa iisang sitwasyon, nagkakaiba nga siguro ang pagtingin ng mga tao, lalo na sa kasong iyan na magkaiba naman ang kanilang basehan. Ang sinasabi ng kolumnista ay kung ano lamang ang nakikita niya, at inamin niya na talagang kaibigan niya si Cesar. Hindi naman niya sinabing alam niya kung ano ang sitwasyon ng mga anak nila ni Sunshine. Hindi naman niya talaga alam iyon.

May dalawang batayan, una kung ano ang karanasan niya sa kaibigan niya. Ikalawa kung ano ang nakikita niya sa buhay ng kaibigan niya na isang artista, at siya na isang kolumnista.

Sa parte ni Sunshine, ang sinasabi lang naman niya ay ang nakaatang sa kanyang responsibilidad na kung iisipin hindi naman niya dapat sinasagot na lahat. Ang isang punto pa roon, maliwanag na ang mga anak naman ni Sunshine, na siguro masasabi nating mas nakaaalam ng totoong sitwasyon dahil sila mismo iyong involved ay kampi sa nanay nila.

Hindi na nga siguro masasabing importante kung sino man ang mas makapagtuwid ng katuwiran sa kanilang publisidad. Ang mas mahalaga roon, ano ba ang sinasabi ng kanilang mga anak na siyang apektado talaga sa mga problema.

Palagay nga namin hindi na kailangang sumagot si Sunshine o magpaliwanag kanino man, dahil higit sa lahat alam ng mga anak niya ang tunay na sitwasyon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …