Friday , November 22 2024

32 patay, 40 na-trap sa Itogon landslides

UMABOT sa 32 katao ang patay habang 40 ang na-trap sa pagguho ng lupa sa pananalasa ng bagyong Ompong sa Itogon, Benguet, ayon sa alkalde ng nasabing bayan kahapon.

Ayon kay Mayor Victo­rio Palangdan, sini­si­kap ng mga awtoridad na marekober ang 40 ka­tao na na-trap sa bunk­house na natabunan ng lupa sa naganap na land­slide.

“May isang bunk­house ng isang kompanya na may tinatayang 40-50 people trapped. Pero natabunan na ng lupa, ‘yun ang inaalala namin baka patay lahat ng mga ‘yun,” ayon kay Palang­dan.

Sinabi ni  Palangdan, natabunan ng lupa ang lumang Benguet Corpo­ration bunkhouse na hinayaang gamitin ng small-scale miners sa kabila na delikado ang nasabing lugar.

“We know for a fact that this area is dangerous because there is a big tunnel mined by Benguet Corporation a hundred years ago,” ayon sa alkal­de.

Isinisi ni Palangdan ang landslide sa pagmi­mina. Aniya, ipatitigil niya ang mining operation na nagdulot ng sinkholes hindi lamang sa Itogon kundi maging sa ibang lungsod at bayan sa Benguet.

“No more mining should be done in this municipality,” aniya.

HATAW News Team


Suplay ng tubig lilimitahan (Sa Metro Manila, Bulacan, Cavite)
Suplay ng tubig lilimitahan (Sa Metro Manila, Bulacan, Cavite)

About hataw tabloid

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *