Saturday , August 2 2025

Mayor inambus sa munisipyo (Sa Cebu)

PATAY ang alkalde ng bayan ng Ronda sa probinsiya ng Cebu makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa loob mismo ng munisipyo, nitong Miyerkoles.
Hindi umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Mayor Mariano Blanco III, makaraan pagbabarilin dakong madaling-araw ng Miyerkoles, ayon sa hepe ng Ronda Police Station na si S/Insp. Junior Falcon.
Ayon sa ulat, pasado 1:00 ng madaling-araw nang salakayin sa loob ng kaniyang opisina ang alkalde at doon pinagbabaril.
Si Blanco ang ika-16 elected official na pinatay sa ilalim ng administras-yon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Napag-alaman, tinanggalan ng awtoridad si Blanco sa pulisya noong 2017 dahil umano sa pagkakadawit niya sa ilegal na droga.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Sara Duterte Supreme Court

Sa impeachment trial vs VP Sara
DESISYON NG SC PUWEDE BAGUHIN

HATAW News Team MAITUTUWID pa ng Korte Suprema ang kanilang sarili at maaari pang baliktarin …

Arrest Shabu

Gunrunner, durugistang tulak nasakote

ARESTADO ang isang lalaking isinasangkot sa ilegal na bentahan ng mga hindi lisensiyadong baril sa …

House Hotshots Javi Benitez Brian Poe Llamanzares Ryan Recto

House Hotshots, nagsusulong ng makasaysayang panukalang batas para sa Climate Resilience

ISANG grupo ng mga batang mambabatas na kilala bilang House Hotshots ang nagsusulong ng makabuluhang …

Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

Big time pusher sa Pampanga nalambat sa 700 gramong shabu

NAARESTO ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang pinaniniwalaang big time …

PM Vargas

Batas sa kalusugan, kabuhayan, at edukasyon tugon sa panawagan ni PBBM — solon

SA PAGTAPOS ng State of the Nation Address (SONA), nangako si Quezon City District V …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *