Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Boobsie Wonderland
Boobsie Wonderland

Dibdib ni Boobsie, palaki ng palaki

TINANONG namin ang komedyanang si Boobsie Wonderland kung bakit Boobsie ang gamit niyang screen name.

“Malaki po kasi ang dibdib ko, kaya Boobsie. Pero hindi nila alam, hindi ito boobs (sabay turo sa kanyang dibdib), mayoma ito. Palaki na nga ito ng palaki, eh. Ewan ko ba,” ang natatawang sabi ni Boobsie.

Patuloy niya na natatawa pa rin, “Pero rati talaga ang ginagamit kong screen name ay Jane B. Kasi akala ko po, bastos pakinggan ‘yung Boobsie, eh. Pero in-alternate ko na lang sa Vitamin C. Boobsie, ang batang may Vitamin C.”

Paano siya nag-start sa showbiz?

“Matagal na po akong entertainer. Nagdya-Japan pa lang po ako, medyo kalog-kalog na ako. Pero kaya po ako naging Boobsie ngayon, dahil kay Sir Allan K. Kasi na-discover niya po ako sa Dubai noon. Tapos pinauwi niya ako rito (‘Pinas). Sabi ko kung bibigyan niya ako ng sets sa Zirkoh at Klownz (comedy bars na pag-aari ni Allan K), hindi na ako babalik doon. Hanggang sa na-refer na ako kay Tito Germs (German Moreno). Napasama ako sa ‘Walang Tulugan’. Tapos na-refer ako sa ‘Bubble Gang,’ sa segment na Tsetse Buretse. Hanggang sa na-refer na rin ako sa ‘Sunday Pinasaya.’

(ROMMEL PLACENTE)


Bahay, lupa at sasakyan, tinatanggihan ni Alma
Bahay, lupa at sasakyan, tinatanggihan ni Alma
Kathryn, inalalayan ni Direk Cathy
Kathryn, inalalayan ni Direk Cathy
Heart, naiyak nang mag-sorry ang kaklaseng nam-bully
Heart, naiyak nang mag-sorry ang kaklaseng nam-bully
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …