SINASABI ngayon sa mga pra lala ng Viva, na nairehistro ng hit movie ni Sarah Geronimo ang pinakamalaking gross record sa isang araw na screening ng isang pelikula. Palagay namin, sa pagtatapos ng playdate nila ay masasabi na nilang ang pelikula ni Sarah ang kanilang highest grossing film. Ibig bang sabihin niyon ay tinabla na ng pelikula ni Sarah maging ang mga hit movies ni Sharon Cuneta noong araw, pati na iyong ginawa niyang kasama si FPJ, at iyong kasama si Robin Padilla?
Kung ang pagbabatayan ay ang pelikula nina Sharon at Robin kamakailan, talagang talo iyon ng pelikula ni Sarah sa ngayon, pero ganoon din ba ang mga pelikula ni Sharon noon? Hindi dapat gross ang batayan dahil mura pa ang bayad sa sine noon. Ang dapat tingnan ay ang bilang ng mga taong nanood sa sinehan. Masasabi bang sa pagdiriwang ni Sharon ng kanyang ikaapat na dekada ay dapat na siyang maghandang sumuko kay Sarah? Naku issue iyan ha.
HATAWAN
ni Ed de Leon