Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Day After Valentines, nangunguna sa PPP 2018

READ: Kris, matapang na sinagot ang isang netizen
— Sariling pera ko ang ginamit ko sa pagtulong
READ: CJ, binigyan ng 2nd chance ni Coco, mapapanood na sa FPJAP

TIYAK na masayang-masaya sina Bela Padilla at JC Santos gayundin ang Viva Entertainment dahil muli, nanguna ang pelikulang pinagtambalan nila, ang The Day After Valentine’s, isa sa kalahok sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Kung ating matatandaan, ang pelikulang 100 Tula Para Kay Stella na pinagbidahan din nina Bela at JC ang nanguna sa box office ng 1st Pista ng Pelikulang Pilipino.

Muli, sa 2nd PPP nakuha ng The Day After Valentine’s ang pangunguna sa takilya na sinundan ng pelikulang pinagbibidahan nina Vhong Navarro at Winwyn Marquez, ang Unli Life na handog naman ng Regal Entertainment.

Sa post na nakita nin mula kay Maribel Aunor noong Miyerkoles ng gabi, pumangatlo ang Ang Babaeng Allergic Sa Wifi, pang-apat ang We Will Not Die Tonight,panglima ang Bakwit Boys, pang-anim ang Madilim Ang Gabi, pampito ang Pinay Beauty, at kulelat ang Signal Rock.

Tiyak na mababago pa ang box office sales ranking na ito dahil Biyernes pa lang naman at mapapanood pa ang mga pelikulang ito hanggang Agosto 21.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …