Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Perla, Menggie at Dante, ‘‘di nagpahuli’ sa Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon

READ: Direk Jason, inspirasyon ang pagtulong sa indie bands
READ: Pagbabago sa rules ng PPP, inasahan na ni Arguelles
READ: Drug free Bulacan, drug free showbiz, pangarap ni VG Fernando

NAKATUTUWANG mapanood ang isang pelikula na pawang mga beteranong actor ang bida. Ito ang makikita sa pelikulang Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon, isa sa entry sa Cinemalaya 2018 na pinagbibidahan nina Perla Bautista, Menggie Cobarrubias, Romnick Sarmenta, at Dante Rivero.

Nagkaroon ito ng gala night kamakailan sa Tanghalang Nicanor Abelardo sa Cultural Center of the Philippines. At marami ang natuwa sa pelikulang ito na ukol sa tatlong nilalang na nasa dapithapon na ng kanilang buhay. Meaning, matatanda na sila na naghihintay na lamang kung kailan nga ba sila lulubugan ng araw.

Simple ang takbo ng istorya na sa mga ilang eksena’y napangiti at napaiyak kami.

Sobra kaming natuwa na walang keber na dalawang beses ginawa ni Tita Perla ang paghuhubad, ‘yon ay sa shower scene.

Natural na natural nga ang pag-arte nila na animo’y sinusunduan lang sila ng kamera at walang script na sinusunod.

Wish lang naming na ma-extend ang pagpapalabas nito sa mga sinehan dahil tiyak na marami ang makare-relate rito lalo na sa mga may magulang na nagkahiwalay na at pagkaraan ng maraming taon ay muling magkakasama para alagaan ang isa.

Mahusay ang pagkakadirehe ni direk Caro Enciso Catu sa Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon lalo na roon sa eksenang nalagutan na ng hininga si Tito Dante habang nasa sasakyan silang tatlo. Simpleng iyak at hindi nag-hysterical si Tita Perla. Ang galing-galing ng eksenang iyon. Iba talaga umarte ang mga de-kalibre at beteranong actor.

Kaya naman pagkatapos ng screening na iyon, masigabong palakpakan ang ibinigay sa husay nilang pagganap sa pelikula.

Samantala, kagabi, nakatakdang gawin ang awards night, ano’t anuman ang mangyari, para sa amin, best actor at aktres na sina Tita Perla at Tito Dante.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …