Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P30-B pondo kailangan sa nat’l ID

READ: Privacy tiyak na protektado

TATLUMPUNG bilyong piso ang pondong kailangan para sa kabuuang pagpapatupad ng  national ID system sa susunod na tatlo hanggang limang taon, ayon sa Philippines Statistics Authority (PSA).

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Under­secretary Lisa Grace Ber­sales ng National Statis­tician and Civil Registrar Office na ngayong 2018, dalawang bilyon na ang nakalaan para sa Philip­pine Identification System o PhilSys na nakapaloob sa General Appropria­tions Act o GAA.

Ipinaliwanag ni Ber­sales na sa pagkasilang pa lamang sa isang sang­gol at naipasa na ng local civil registry ang certifi­cate of live birth sa PSA, agad siyang bibigyan ng citizens number.

Ilalagay rin sa Phil ID card ng bata ang Phil ID card number ng nanay niya o guardian.

Unang pagkakataong kukuhaan ng biometrics ay kapag nasa limang taong gulang na, sa pag­sisimula ng pagpasok sa kindergarten.

Ayon kay Bersales, ang citizens ID card num­ber ng bata ay magsisilbi na niyang student ID hanggang pagsapit ng kolehiyo.

Uulitin na lamang ang biometrics capture pagsa­pit niya ng edad na kinse o disiotso depende sa ma­pagkakasunduang ilagay sa Implementing Rules and Regulation (IRR).

Samantala, isang milyong unconditional cash transfer o UCT bene­ficiaries ang unang ma­bibigyan ng Philipine ID pa­ra sa pilot issuance nito.

Ayon kay  Bersales, bago matapos ang taong ito ay inaasahang maibi­bi­gay na nila sa UCT be­neficiaries ang Phil ID.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan

Manigong Bagong Taon: Pamamahagi ng New Year Food Packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau

QUEZON CITY — Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, pinangunahan ni Cong. Brian …

NBI VACC

Estudyanteng Pinay na ginamit para sa extortion laban sa isang negosyante nagpasaklolo sa NBI

HUMINGI  ng saklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 18-anyos estudyanteng   Pinay kasama …

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …